Melissa Ricks, Jake Cuenca’s new girl?

NAGULAT ANG STAFF ni ABS-CBN business unit head Enrico Santos nang mapanood ang interview ni Mario Dumaual ng TV Patrol World kay Cristine Reyes nu’ng Lunes na tinanggihan niya ang seryeng Bandida.

Ayon mismo sa nakausap naming staff ni Enrico na may himig ng pagtatampo, “totoong inalok si Cristine for Bandida at ang sabi sa amin within this week ay sasabihin nila ang sagot nila, e, nagulat na lang kami na sa TV Patrol kami sinagot, bakit ganu’n? Nauna pa siyang magpa-interview bago kami sagutin?”

At dahil alam na ng staff ng Bandida na ayaw ni Cristine ang nasabing project , dedma na sila sa dalaga at wish na lang nila na sana magkaroon siya ng magandang project after Eva Fonda.

Speaking of Cristine, hindi pala sure kung matutuloy siya sa soap dramang pagsasamahan nila ni Kristine Hermosa with Jericho Rosales dahil may iba na yatang napili.

Hayan, mas type ng younger sister ni Ara na makasama ang mga sikat kaysa magkaroon ng sariling serye na siya naman ang bid0a. Hija, masama ang tumatanggi sa grasya.

HAYAN, DAHIL NA naman sa kadyo-joke ni Mo Twister kay Dra. Vicki Belo sa talk show na Showbiz Central nu’ng Linggo, nakapagsalita ang huli nang hindi maganda kay TV host/manager/columnist Boy Abunda.

Sa panayam kasi ni Mo kay Da. Belo, nabanggit na ‘if you want to look like Boy Abunda, you go to Calayan and if you want to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, you go to Belo’ na masyadong personal ang tira.

Pero sa huli ay sinabi ni Dra. Belo kay Mo na “you told me to say that” na lumalabas na galing sa host ng Showbiz Central ang mga sinabing iyon ng nasabing duktora.

At sa Showbiz News Ngayon o SNN episode nu’ng Lunes, first time naming mapanood at marinig si Boy na nanginginig ang boses habang sinasagot ang mga sinabi ni Dra. Belo at maski na naka-eyeglasses siya, kitang-kita naming nangingilid ang mga luha niya.

Nabanggit din ng co-host ni Kris Aquino na tumawag daw sa kanya ang nanay niyang nasa Samar at tinanong kung anong ginawa niyang masama kay Dra. Belo at ginawa siyang katatawanan. At kitang-kita ring pinupunasan ng nasabing TV host ang mga luha niya sa mata.

Kamakailan lang, nagkabati sina Kris at Dra. Belo and for the record, three months ago pa at last week lang ipinakitang okey na ang dalawa dahil sa one-on-one interview ng una.

Pero heto, si Boy naman ang sumama ang loob kay Dra. Belo na sabi nga ng lahat, ‘mahirap mawala ang galit ng isang Boy Abunda lalo na kung personal siyang tinira na dahil ni minsan ay walang tinapakang tao ang nasabing TV host’.

NANLILIGAW BA SI Jake Cuenca kay Melissa Ricks?

Kaya namin ito naitanong ay dahil nakatsikahan namin ang isa sa witness na panay raw ang padala ni Jake ng pagkain sa condo unit ni Melissa sa Greenhills, San Juan.

Ang eksaktong tsika sa amin, “maraming nakakakita na may mga dumarating na pagkain paakyat sa unit ni Melissa kasi dumadaan muna sa reception area at tinatanong kung kanino galing at para kanino.

“Masasarap, lutong-ulam talaga, hindi ‘yung binibili lang sa grocery, talagang full meal siya.”
At nagulat din kami na last Valentine’s Day pala, sangkaterbang bulaklak din ang ipinadala ni Jake kay Melissa, hindi lang nabanggit sa amin ng mga nakakita kung ilang dosenang rosas iyon.

Hmm, kaya pala parating nakikita ng taga-ASAP na nakatambay sa dressing room ni Melissa si Jake, e, hindi naman doon ang dressing room ng Cover Boys?

Anyway, launching ng Your Song Presents Underage ngayong gabi at isa si Melissa sa bida kaya kukulitin namin siya, wish lang namin, hindi siya magsinungaling, ‘noh?

Reggee’s Digest
by Reggee Bonoan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.