Melissa Ricks doesn’t like Jake Cuenca

KAMUNTIKAN NAMING HINDI makilala si Lauren Young sa launching ng Underage episode ng Your Song, na airing na sa Linggo, March 1 after ASAP ’09, dahil lumusog siya nang bahagya.

Kasi naman, anim na buwan palang walang TV projects ang dalagita kaya sa pag-aaral na lang niya itinuon ang panahon at siyempre, masarap mag-aral nang may nginunguya.

Para sa amin, okey pa rin ang pagiging chubby-lita ni Lauren dahil matangkad naman siya at bata pa sa edad na 16, kaya madali pa siyang mag-lose ng weight. “Panay na nga po ang diet ko at exercise,” saad ng bagets nang makapanayam namin.

Say nga namin, huwag niyang madaliin dahil hindi rin maganda ang crash diet at higit sa lahat, baby fats pa lang naman ang nasa katawan niya.

Samantala, isa si Lauren sa cast ng unforgettable movie nina Dina Bonnevie, Snooky at Maricel Soriano na Underage na produced ng Regal Films at gagampanan ng batang aktres ang role ni Kooky.

Sa showbiz, tinutukso si Snooky na ‘pagong’ dahil nga mabagal ang usad ng career kaya tinanong namin ito kay Lauren kung ganu’n din ba sa tingin niya ang nangyayari sa career niya?

“Hindi naman po, kasi naniniwala ako na may nakalaang magandang project para sa akin tulad nitong Underage, perfect role for the three of us at alam kong hindi naman ako pababayaan ng Star Magic and besides, busy rin po ako sa schooling kaya okey lang. I’m on my 2nd year high school so, I’m not in a hurry naman.” Magandang katuwiran ni Lauren.

Samantala, masaya si Lauren para sa Ate Megan niya dahil maganda ang feedback sa role niya sa I Love Betty La Fea bukod pa sa parating ka-eksena si John Lloyd Cruz na super crush niya.

“Parati nga po akong tinutukso ng ate ko kasi nga kasama niya parati si John Lloyd, sabi ko nga, nakakainggit siya,” napangiting sabi ng dalagita.

Samantala, nakakatuwang ikinuwento ni Lauren na dahil lumaki siya, ayaw siyang pahiramin ng damit ng Ate Megan niya. “Baka raw kasi ma-stretch, e, hindi na niya magagamit pa, which is understandable naman talaga.”

At nag-aaway rin daw sila ng Ate Megan niya. “Takot po ako kapag hindi niya ako pinapansin, kasi tahimik siyang tao. Ako vocal ako sa nararamdaman ko, si Ate dedma. Eh, ayoko po ng ganu’n, gusto ko nagsasalita rin.” Kuwento pa ni Lauren.

Loveless ang bagets at schooling at career ang priority niya dahil love can wait naman daw.

HINDI ITINANGGI NI Melissa Ricks na pinadalhan siya ng pagkain nang tatlong beses at isang dosenang pulang rosas nu’ng Valentines Day ni Jake Cuenca sa condo unit niya sa Greenhills. Pero hindi naman inamin ng dalaga kung nanliligaw ba sa kanya ang aktor.
“Si Jake na lang po ang tanungin ninyo kasi hindi ko naman alam kung ano ang pakay niya. Siyempre flattered po ako sa mga padala niya, but it doesn’t mean na nanliligaw siya. Hindi ko alam, basta ang alam ko, kaibigan ko siya since Pedro Penduko days pa,” paliwanag ni Melissa.

Nagtataka si Melissa kung paano namin nalaman ang tungkol sa pagkain at bulaklak gayu’ng sikreto lang daw iyon, na sabi namin kapag sa condominium ka nakatira, walang sikreto dahil maraming tao sa reception.

Nu’ng Pedro Penduko days daw, crush niya si Jake. Pero ngayon daw, kaibigan na lang ang turing niya.

Hindi pa raw dumadalaw ang isa sa cast ng Tayong Dalawa sa bahay nila, dahil kailangang magpaalam muna sa parents niya. “’Yun po ang usapan namin ng parents ko na kapag may gustong dumalaw, magpapaalam sa kanila, and so far, hindi naman nagpapaalam pa si Jake.”

Sa tingin ba ni Melissa, magugustuhan ng magulang niya si Jake?

“Hmm, hindi ko po alam, basta kaibigan ko lang po si Jake,” natatawang sagot ng leading lady ni Matt Evans sa Underage episode ng Your Song.

Eh, type ba niya si Jake?

“Hahaha! Kaibigan nga po, guys ano ba?” Tila napipikon ng sabi ni Melissa na idinaan lang sa tawa.

At ang basa namin sa sagot ng dalaga, hindi niya type si Jake, period!

Reggee’s Digest
by Reggee Bonoan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.