Melissa Ricks does the ‘belting out’

Kahit hindi nakamit ni Melissa Ricks ang title na ‘Grand Questor’ noong sumali s’ya sa Star Circle Quest (ABS-CBN) noong 2004 ay mukhang dumadami naman ang kanyang projects nitong nakaraang taon. Naipakita n’ya ang acting skills n’ya along with veteran actresses Claudine Barretto at Cherry Pie Picache. Si Melissa at Matt ay swak na swak sa seryeng ito ng Your Song, ang una sa mga series of teenseryes na gagawin nila. Sa nakapanood ng unang episode ng Your Song: Underage, remake ng isang 80’s film na may pareho ring title, makikitang nag-mature na talaga ang loveteam ni Melissa Ricks at Matt Evans. Ewan ko lang kung hanggang sa’n ang aabutin ng tandem nila, malabong magiging kasinlakas sila tulad ng ibang loveteams (Sarah-John Lloyd, Sam-Anne o Angel-Piolo).

Well, ‘singing to a different tune’ naman ang drama ni Melissa Ricks sa pag-transition n’ya into a mature role. Kailan kaya lalabas ang mga sexy pictorials n’ya? Hindi man n’ya kinuha ang role bilang leading lady ni Panday dati, ngayon naman ay makikita na natin ang sexy side n’ya. I’m sure maraming mga kaparazzi natin ang matutuwa sa mas sexy na imahe ng young actress, ‘di ba?

Photos by Parazzi Wires
by Faith Salazar

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.