Sipat-eklat: Melissa Ricks at Jake Cuenca, umaming nagde-date sila!

SIPAT: INAMIN na ni MELISSA RICKS na nagde-DATE sila ni JAKE CUENCA.
EKLAT: ALAM ba ‘yan ng MOMMY mo, MEL?

SIPAT: INAMIN na rin ni JAKE na nagde-DATE sila ni MELISSA.
EKLAT: IPINAALAM mo ba ‘yan sa NANAY niya, JAKE?

SIPAT: Sa CHURCH lang naman daw nagde-DATE ang DALAWA.
EKLAT: Uy, GOOD BOY si JAKE, huh!

SIPAT: Pero NAISPATAN daw sina JAKE at MELISSA sa IBA’T IBANG MALL.
EKLAT: Naks, parang may MALL TOUR ang DATE nila, huh!

SIPAT: AABOT daw ng P120-M ang KIKITAIN ng PAANO NA KAYA.
EKLAT: Hmmm… PAANO na KAYA kung WALA pang PADDING?

SIPAT: MALAKAS naman talaga ang LOVETEAM nina GERALD ANDERSON at KIM CHIU. In fairness.
EKLAT: MALAKAS din sa PUBLICITY GIMMICK.

SIPAT: BAKIT daw parang may KAMOT ang BOOBS ni ANGELICA PANGANIBAN? NASIPAT kasi ng isang MIRON.
EKLAT: ITANONG natin kay DEREK RAMSAY.

SIPAT: TINANGGIHAN daw ni RICHARD GUTIERREZ ang HOSTING ng SURVIVOR PHILIPPINES 3.
EKLAT: Baka nga naman PAGKATAPOS ng SHOW, e, nasa TV5 na rin siya!

SIPAT: Nagpa-PRESSCON pa raw si DIETHER OCAMPO para LINAWIN ang BREAK-UP daw nila ni RIMA OSTWANI.
EKLAT: Naks, parang NATIONAL ISSUE!

SIPAT: ‘KAALIW si MELAI, ‘no? IBINUKING na MABAHO ang PAA ni JAYSON!
EKLAT: TIYAK na MARAMI ang MAG-AABANG kung TOTOO ‘yon!

SIPAT: MATINDI ang LABANAN sa PAGITAN nina MELAI at PAUL JAKE bilang BIG WINNER.
EKLAT: NAGTATALO d’yan ang mga JOLOGS at mga BADING, e.

SIPAT: MAGSYOTA pa PALA sila? SELOS na SELOS kasi ang HUNK ACTOR sa KISSING SCENE ng SEXY ACTRESS sa LEADING MAN nito.
EKLAT: GUSTO ngang UPAKAN ng HUNK ACTOR ang LEADING MAN ng MAPANOOD ang LAPLAPAN, e.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

3 thoughts on “Sipat-eklat: Melissa Ricks at Jake Cuenca, umaming nagde-date sila!

Leave a Reply

Your email address will not be published.