Melissa Ricks at Jake Cuenca, tuloy ang lampungan

TULOY PA RIN pala ang romansang Jake Cuenca and Melissa Ricks. Sa Star Magic Fashion show last Sunday na ginaganap sa ABS-CBN, kapansin-pansin daw ang kilos at galaw ng dalawa, ayon sa nagbalita sa amin.

Nand’yang magbulungan, magbiruan sa harap ng kapwa nila artista sina Jake at Melissa na hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga nakapaligid sa kanila. Wala silang kaalam-alam na pinagmamasdan ang bawat kilos at galaw nila.

Hanggang sa dressing room nga raw sinundan pa ni Jake itong si Melissa, parang may gustong ipahiwatig sa dalaga. Hindi nga lang daw makaporma ang binatang actor dahil may mga tao sa kanilang paligid. Kahit hindi gaano nakapag-usap ang dalawa, mapapansin ang malagkit nilang tinginan na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata.

Kung anuman ang namamagitan ngayon kina Jake at Melissa, halata mo raw na pilit nila itong itinatago ang tunay nilang relasyon sa publiko. Mas makabubuti siguro para sa kanila ang ilihim na lang, baka nga naman maudlot pa ang nagsisimula nilang love affair.

HATAW NGAYON SA ratings ang local version ng Koreanovelang Lovers in Paris nina Piolo Pascual, Zanjoe Marudo at KC Concepcion. Kahit kami ay naaadik sa panonood nito araw-araw, maganda naman kasi ang bawat episode, kapana-panabik!

Maging ang fashion icon na si Oskar Peralta ay nagmamadaling makauwi para lang mapanood ang nasabing Tagalized Koreanovela na sinusubaybayan niya from Monday to Friday.

“Oh yes, lahat kami nakatutok na sa TV kapag Lovers in Paris na ang palabas. Naaaliw akong pinanonood si KC, magaling siya as an actress,  nakuha niya ‘yung character ni Vivian. May chemistry sila ni Piolo, may kilig factor ang dalawa kaya nakatutuwang panoorin sila. Maging si Zanjoe bilang Martin,  bagay sa kanya ‘yung role,” say ng magaling na fashion designer.

“Na-surprise talaga ako kay KC, hindi ko akalain marunong pala siyang umarte. First time ko siyang napanood, first time siyang lumabas sa isang soap, ibang klase talaga itong anak ni Mega. Nanggaling sa magandang pamilya, hindi nakaranas ng kahirapan, nag-aral sa abroad pero ang role niya ay very challenging.

Mahirap yatang gawin ‘yung character niya on screen bilang katulong na nangangarap ng magandang buhay pero nagampanan niya nang tama.  Natural  siyang umarte maging sa mga nakakatawang eksena, naaliw kaming talaga at marunong umiyak, ‘di ba?” dagdag pa ni Oskar .

Very Pinoy ang dating ng teleseryeng ito, nakaka-relate kasi ang masang Pilipino. Mabilis ang pacing, maraming nangyayari sa bawat eksena kaya patok ito sa manonood. Mahusay ang pagkakadirek ni FM Reyes, binigyan niya ng naiibang Pinoy flavor ang bawat character ng nagsisiganap. Nakuha ni Direk ang kiliti ng masa kaya click na click ito ngayon sa publiko.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

20 thoughts on “Melissa Ricks at Jake Cuenca, tuloy ang lampungan

  1. i love LIP!infairness nman kay kc ng improve nman xa sa acting…and i don’t think na mababa ang rating nila kung pagbabasehan ay nationwide hehehe…mas mganda nman d hamak ang LIP kesa sa katapat nitong programa sa kabila kc mas nkikita ng mga manonood ang chemistry between the characters at xmpre ang kilig factor ay present din.ang mganda pa sa LIP di masyadong mabibigat ang scenes…tmang tama sa panahon ngaun na ang dami ng problema kaya kahit sa tv man lang mabawasan ang todo drama d ba?hehehe…go kapamilya!ur number 1 here in visayas!

  2. galit si Alfie kay Piolo kasi hindi nya natikman si papa Piolo, kahit nga si Eric Santos nagulat ng pumunta sa bahay ni Alfie, puro pictures ni Piolo bawat sulok ng bahay,,,,,, kaya isang malaki at tumataginting na halakhak lang ang masasabi ko kay Alfie. maglaway na lang sya….

  3. first time kong panoorin ang LIP sa you tube and honestly fair ok naman ang acting ng mga bida kung baga ay passable lalong lalo na yung mga sequences at events, maganda ang pag direct ng LIP. Iwasan lang ni KC na i xerox yung mga manersm ng mother nya at yung mga make face at lalong lalo na sa pag gamit ng kanyang labi sharon na sharon.

    malaki ang face mo sa tv screen siguro ay kailangang kang mag reduce para di ka mag mukhang cheri pie picache at her age 40.

    Keeo up maganda ang LIP

  4. si freddie garcia(dating exec ng abs, na pinalitan ni charo) ay biyenan ng sister( kay garcia, yung may-ari ng store ng lingerie) ni mariel (ma. erlinda termolo) rodriguez

  5. Korek an ganda talaga ng LOVERS In PARIS bagay lahat sa mga gumanap yung mga role nila……………….Ganda pala ni KC kahit walang make-up………

  6. sorry but not convinced with KC’s acting.. hindi lang talaga xa fitting as Vivian.. wala talaga eh.. I just watch it coz I’m waiting for PBB..

    PBB Go!!!

  7. ang dmi nga palang bayarang writer….eeewwww! sabihin ba namang magalign na actres si KC @ nagagampanan ang role ni VIVIAN? At ang nakakasuka ay ang sabihing HATAW SA RATING!!!!!!!!! BWAHAHAHAAHA!!!!!! NAGPAPATAWA BA ANG WRITER NA ITO?!?

  8. bayaran ka Eddie. ang baba nga ng ratings ng LIP sa PEP tapos sasabihin mong hataw. Ang nagAGAWA NGA NAMAN NG PERA! ALAM KO ANG MGA RAKET NINYO KAYA PUWEDE BA TRUMIGIL NA KAYO SA PRAISE RELEASE…LOL

    • ang pinagmamalaki mo bang ratings ay sa agb, ups and down 3% lang lamang ng sth smantalang nationwide laglag sila sa top 10, top3 ang lip..

  9. haha! sabihin mo yan kay alfie lorenzo eddie dahil walang ginawa ang matandang yan kundi ang banatan ang lovers in paris. Kesyo bagsak sa rating, blah blah blah! Hindi ko alam kung bakit ganuon na lang ang galit niya kay Piolo..

  10. ay naku agree ako ang ganda ng lovers in paris pati mga pinoy d2 sa abroad na walang tfc naloloka sa khahanap sa youtube ng mga episode nito… hindi ganun kgaling c kc pero pasado siya as baguhan kumpara nman sa mga artista na mtagal na bano pa rin sa pag-arte…

  11. YUCK!!!! nakipag one night stand yan kay keana reeves,totoo yon pinigilan lang b4 si keana magsalita ng abs. at ang daming blind items noon at up to now kahot hawak siya ni deo hindi nawawala ang blind items sa kanya

    Impossibleng patulan ni melissa yan,obvious na gimik,dahil may bagong show si jake,link siya kay mel para gumanda image niya pero si mel ang pumapangit image dahil kay jake

    • sus wala namang appeal sa tv yang mel na yan!! ….maganda at sexy pero walang dating sa pag-arte kaya madali ring malaos….ano ngayon kung totoo mang nag one stand sila ni keana lalaki naman sya!!

  12. chikka lang,nandoon ako sa starmagic show ni hindi makalapit si jake kay melissa……sige itago mo eddie ang totoo kaya ka tinawag na little ei hahaha!!!!! mga bayarang writers kalokah!!!! hahaha!!!! ang sweet nila deo at jake,inggit akoooo!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.