Melissa Ricks at Jake Cuenca, totoong mag-dyowa?! – Morly Alinio

IWAS SI JAKE Cuenca nang huling makita namin sa Christmas party ng ABS-CBN kamakailan at marahil ang reaction na ito ni Jake ay may kinalaman sa balitang “nakitulog” sa kanilang bahay si Melissa Ricks nang diumano ay maglayas ang dalaga sa kanilang tahanan.
Kung paniniwalaan ang balita, hindi umano pabor ang pamilya ni Melissa sa pakikipag-relasyon ng dalaga kay Jake. Na sa aminin man o hindi ng dalawa, obvious namang may ugnayan.

“’Yung panliligaw ni Jolo Revilla kay Melissa, tsika lang iyon, promo lang iyon ng show nila dahil ang totoong boyfriend ni Melissa ay si Jake.” Tuluy-tuloy na pagkukuwento sa amin ng aming source.

Tiyak na idedenay nina Jake at Mellisa ang isyu sa kanila, pero isinusumpa ng aming source na matagal na diumanong may mutual understanding ang dalawa at may usapang walang aminan sa tunay na kanilang nararamdaman sa isa’t isa.

After Christmas ay magkakaroon ng second honeymoon sina Korina Sanchez at Sen. Mar Roxas, at this time ay go naman ang mag-asawa sa Europe na tulad sa ipinangako ng politician sa mediawoman.

“Aba! Dapat lang na tumupad siya sa pangako niya sa akin dahil isipin niya ang dami-dami kong isinakripisyong show para sa kanya, ha?!” Tumatawang pahayag ni Korina nang huli namin itong makausap.
Ayon kay Korina, kung bigo man silang makabuo ng baby sa Amerika, sana raw this time ay gawang Europe naman ang maging supling nila ni Sen. Mar.

“Of course walang masama sa mangarap, ha? At siyempre, gusto rin naming magka-baby,” pahayag iyon ni Korina na sa tingin namin habang tumatagal ay parang pabata nang pabata ang hitsura.
Sa totoo lang, marami ang nakapupuna na parang bumabata ang aura ni Korina. Hindi na siya tulad sa dati na para bang ang sungit-sungit at ang hirap abutin.

“Wala ako sa show ko kaya napapansin ninyong hindi ako matapang. Actually nami-miss ko na nga ang mang-away ng mga taong sira ulo sa bayan, eh,” sabi pa uli ng aming kausap habang panay ang ngiti sa amin.
Para kay Korina wala siyang pinagsisihan sa ginawa niyang pag-aasawa kahit nagbunga iyon nang pagkawala ng marami niyang show.

“Maligaya naman ako at hindi kayang bayaran kung anuman ang nararamdaman ko ngayon dahil kita naman ninyo ang suwerte ko talaga kay Mar,” pagwawakas ni Korina.

MASAYA SI GABBY Concepcion dahil mauunang gumawa sila ng pelikula ng anak niyang si KC Concepcion kaysa kay Sharon Cuneta.

“Siyempre masaya ako dahil pinangarap ko ring makasama ang anak ko in one movie,” pahayag ni Gabby na nagsabi pang okay lang daw sa kanya kung gumawa rin sila ng pelikula with Sharon.

“Okey lang, walang masama dahil okey na naman kami, ‘di ba?” Na ang tinutukoy ni Gabby ay si Sharon.
Hindi magpa-Pasko si Gabby sa bansa kaya gustuhin man daw niya ang manood ng pelikula ni Sharon ay hindi maaari. “Nasa amerika ako, kaya parang hindi ako makakapanood sa opening, sayang nga, eh.”
Kahit patuloy naming binabanggit kay Gabby ang pangalang Sharon ay iwas na iwas ang aktor sa usaping Megastar na ewan kung bakit, dahil noong huli rin naming makausap si Sharon sa presscon ng Mano po, naramdaman naming ganu’n din ito kapag ang nababanggit sa usapan ay si Gabby. Totoo nga kaya sina Gabby at Sharon sa pagsasabing magkaibigan na sila ngayon?

More Luck
by Morly Alinio

loading...

3 thoughts on “Melissa Ricks at Jake Cuenca, totoong mag-dyowa?! – Morly Alinio

  1. KELAN BA NAGING TOTOO ANG MGA ETO!WALA MASAMA KUNG NATULOG SI MELISSA SA HAUS NI JAKE,ANG MASAMA EH KUNG ANG NATULOG SA BAHAY NI JAKE AY SI JOLO REVILLA.KAYA ANG TSIKANG ETO AY WALANG KWENTA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.