Parazzi Chikka: Melissa Ricks at Jake Cuenca: ‘di na makatatanggi!

Matagal-tagal na ring kalat sa showbizlandia ang tsikang nililigawan ni Jake Cuenca ang Tanging Yaman star na si Melissa Ricks. Madalas nga raw silang naiispatan na sweet sa isa’t isa pero itinanggi nila ang mga balitang ito.

Kamakailan lang ay inamin na ng dalawa na mas close na raw sila ngayon. Pakiramdam nga ng mga tao sa paligid nila ay magdyowa na talaga ang dalawang Kapamilya stars.

Tingnan na lang natin ang ilan sa mga sweet moments nina Melissa at Jake na kuha sa Boracay nu’ng  mag-taping du’n ang ASAP XV. Tapos na ang trabaho nang makunan ang mga nakaw na sandali ng dalawa. Bakit kasi hindi pa nila aminin ang ‘real score’ sa kanilang dalawa?

Kung ang celebrities natin ay sanay na sanay sa pagdi-deny… ‘pictures don’t lie’. Wala naman sigurong masama kung magkainlaban sila. Tutal, pareho naman silang single at very much available to mingle! Umamin na kasi!

Photos By Luz Candaba

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleIya Villania, may anak na kay Drew Arellano?
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #299: May 4, 2010

No posts to display