Melissa Ricks’ mother overjoyed with actress’ break-up with Jake Cuenca

TIYAK NA SOBRA ang tuwa ng madir ni Melissa Ricks nang malamang break na ang aktres sa boyfriend nitong si Jake Cuenca.

Matindi kasi ang pag-ayaw ng mother dear ni Melissa kay Jake. Talagang hindi niya ito feel para sa kanyang anak na dalaga. Pinagbigyan na lang niya ito dahil wala na siyang magawa nang sinagot ng kanyang dyunakis ang actor.

At sa sama ng loob, sa US nanirahan ang madir ni Melissa. Hindi niya kasi gustong makita si Jake sa tuwing dumadalaw ito sa kanilang bahay. Ang American father naman ni Melissa ay wala ring magawa dahil nakikita niyang happy ang kanyang anak sa binata.

Ngayong break na ang dalawa, sigurado kaming isa sa natuwa ay ang madir ni Melissa. Sa ngayon nga raw ay magkasama ang dalawa sa US. Lumipad daw kasi patungong US si Melissa recently. Hindi lang namin alam kung bahagi siya ng Star Magic tour sa nasabing bansa o personal ang kanyang trip.

KUNG MEDYO SAD si Melissa ay very happy naman si Cristine Reyes sa kanyang love life. Going strong kasi ang kanyang relasyon kay Rayver Cruz. Ang description nga nito sa kanilang relationship nang matanong sa presscon ng Tumbok ay “steady lang”.

“Pareho kaming open. Pareho kaming nagkakaintindihan. Hindi namin sinasakal ang isa’t isa.  Parang ang laki ng tiwala namin sa isa’t isa,” tsika ni Cristine kung bakit nag-click sila ni Rayver.

“Lahat ng positive parang nasa kanya na. Wala akong nakitang negative. Wala, puro lahat positive,” dagdag pa ng dalaga.

Inamin din ni Cristine na paminsan-minsan ay nagseselos din si Rayver, pero idinadaan niya ito sa jokes, meaning, hindi seryoso.

And the nicest thing, according to Cristine, ay hindi pinakikialaman ni Rayver ang anuman pagdating sa kanyang career. Hindi siya pinagbawalan nito na makipaghalikan sa kanyang leading man o magkaroon ng intimate scene.

Ni hindi nga ito kumontra nang malamang may kissing scene siya kay Carlo Aquino sa Tumbok.

“Hindi po. Hindi naman ganoon si Rayver. Hindi naman siya nagbabawal. Baka hindi lang siya ganoong tipo ng boyfriend.”

HINDI NA PALA itutuloy ni Willie Revillame ang banta niyang pagdedemanda sa mga umatake sa kanya sa Twitter. Mukhang naduwag si Willie at hindi kayang panindigan ang kanyang banta. Sabi niya sa isang panayam sa radio, hindi na nga niya kakasuhan ang mga celebrities na nag-tweet tungkol sa kontrobersiya sa Willing Willie. Kabilang sa mga pinangalanan niya ay sina Lea Salonga, Agot Isidro, Aiza Seguerra, Mylene Dizon, Jim Paredes, K Brosas at Tuesday Vargas.

Matatandaang nagbanta si Willie sa show niyang Willing Willie na idedemanda niya ang mga umaatake sa kanya sa Twitter, bagay na hindi naman kinatakutan ng mga celebrities na pinatungkulan niya. Sabi nga ni Jim Paredes, “What’s wrong in expressing an opinion?” Oo nga naman. Ano sila, sinusuwerte? Sila lang ba ang may karapatang magbigay ng opinion.

Nakakaloka lang si Willie kasi dinamay niya si Tuesday gayong hindi naman pala ito ang nag-tweet ng mensahe. Bagama’t may sariling Twitter account si Tuesday ay may poser din pala ito. Dalawang Twitter account na nakapangalan sa komedyante ang hindi kanya at dito nanggaling ang mga hindi magagandang tweet patungkol sa show ni Willie.

Masyadong padalus-dalos itong si Willie. Hindi niya ni-research muna kung kay Tuesday nga ang account na iyon. Ayun, napasama tuloy si Tuesday sa kanyang mga fans. I think Willie owes Tuesday an apology.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

8 thoughts on “Melissa Ricks’ mother overjoyed with actress’ break-up with Jake Cuenca

  1. Haay salamat Melissa kung totoo man ito na break na kayo ni Jake, I never liked that man, Melissa you deserve better! sorry ho sa mga fans ni Jake, nagpakatotoo lang ho.

  2. wala ng kwenta ang abs-cbn. hnd n kumkta. dun n km sa tv5. solid willie kami kht ano pang sbhn ninyo….. mamamatay kau s inggit……

  3. BRIBERY NAMAN ANG GINAGAWA NI WILLIE SA FAMILY NI JAN JAN. nANGHINGI NG BAHAY KAY  VILLAR PARA IBIGAY SA FAMILYA NI JAN JAN. BAKIT KAYA HINDI SA BULSA NYA . AKALA KO BA BILYONARYO YAN, BAKIT PERA NG IBA ANG IPINAMIMIGAY. PAGTULONG DAW ANG GINAGAWA NYA.  HUWAG KAYONG MAG PA UTO SA USER. TAPUSIN NA YAN. 

  4. Willie is an arrogant bastard hindi naman galing sa bulsa nya ang pinamimigay nya na pera. Kailangan mo ba ng show para makatulong sa kapwa mo? Maraming artista na nakakatulong sa ibang tao na hindi nila pinangangalandakan. Yun ang tunay na pagtulong noh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.