Melissa Mendez, masama ang loob kay Shalala dahil sa maling balita

SA TAPING NG Untold Story na ginawa sa isang bahay sa Marikina City, nakausap ko si Cherry Pie Picache. Laking pasasalamat namin kay Cherry Pie, kasi nu’ng kausapin namin siya ay tinatawag na siya ng floor manager, dahil take na. Pero ang aktres mismo ang nakiusap na bigyan siya ng limang minutong palugit upang kami ay kanyang mapagbigyan, at makipag-usap sa amin na siya namang nangyari.

Anyway, ayon kay Cherry Pie, hindi totoo ang balitang nakipagbati na sa kanya nang personal si Baron Geisler, matapos na lumabas ng rehabilitation center ang aktor. Kung matatandaan, nagalit noon si Cherry Pie kay Baron dahil  hinawakan ng binata ang maselang parte ng katawan ng aktres nang hindi naman kailangan sa story ng proyektong kanilang ginawa.

Masaya raw si Cherry Pie kung totoong nagbago na si Baron. Dahil isa si Cherry Pie sa nanghihinayang sa talento ng aktor. Magaling pa naman daw umarte si Baron at nasasayang ito dahil sa gaspang ng pag uugali ng binata kapag la-sing na ito. Ang totoo, dismayado si Cherry Pie nang bastusin siya ni Baron dahil itinuring niya itong younger brother, but since kung totoo nga at bukal sa loob ng binata ang ginagawang pagbabago, happy na rin ang aktres at sinabi nitong handa na siyang makipag-work uli sa binata.

 

NAGKAROON NG CHANCE na makausap si Rommel Padilla ng Pinoy Parazzi kamakailan. Ayon kay Rommel, hindi pa raw nila masimulan ang pelikulang pagsasamahan nina Robin Padilla at BB Gandanghari dahil abala raw si BB sa fashion show production nito sa ibang bansa.
Ayon kay Rommel, mas enjoy siya sa pagpo-produce pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na siya aarte sa harap ng kamera. “Actually mapapanood nila ako siguro by next week sa Channel 5 dahil may mga gagawin akong project diyan at isa na nga rito ‘yung sa Untold Story.
Ayon kay Rommel, masaya sila sa bagong mundo ng kapatid na si BB. Tinanggap daw nila ito na tulad sa ginawang pagtanggap ng publiko sa aktor, pero hindi raw niya alam kung ano ang kanyang magiging reaction sa sandaling magpa-sex transplant ang kapatid nila ni Robin. “Ewan ko lang, pero sana huwag niya ‘yung gawin dahil parang hindi yata maganda talaga, kasi ibang usapan na iyon.”

MASAMA ANG LOOB ni Melissa Mendez kay Shalala. At ang dahilan ay mali raw ang impormasyon na nakarating sa TV host. “Ang nakakasama ng loob dito, Morly, hindi niya inalam kung ano ang totoo? My, God! Bakit naman ako makikipag-inuman du’n sa bagets? At ang sabi pa niya, hinipu-hipuan ko raw ‘yung bagets, tsaka isinakay ko sa kotse. Grabe naman ‘yun. Hindi naman yata ganu’n ang pagkatao ko?”
Ang isa pa rin sa pinagsisintir ng kalooban ni Melissa ay ang sinabing naghihirap siya kaya nagtitinda na lang siya ngayon ng barbeque. “Bakit ano naman ang masama sa magtinda ng barbeque? Marangal na trabaho ‘yun sa pagkakaalam ko. Tsaka hindi ako naghihirap. Kahit paano may pinagkakaabalahan ako. Nagtitinda ako, kasi extra income iyon at walang masama du’n.
“Hindi naman ako galit sa show, actually viewer nila ako, kaya nga napanood ko mismo. Kay Shalala lang ako nagtataka, bakit ganu’n siya sa akin, gayung wala naman akong masamang ginagawa sa kanya,” pagwawakas ni Melissa.
Shalala ano ang masasabi mo rito? Bukas ang pahina naming ito para sa pahayag mo. Tsuk!!!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

11 thoughts on “Melissa Mendez, masama ang loob kay Shalala dahil sa maling balita

  1. ang baklang shalala. feeling sikat! punyetah kang baklah kah!!! kapatid ka ba ni Ruby Rodriguez???? magkahawig kasi kayo. lintik kang bakla kah! feeling!!! manghada ka na lang sa pinanggalingan mo sa kanto ng baclaran!

  2. mga magkakamukha nga yung mga host ng juicy ang papanget nila at ang lalaks ng loob manira ng mga artista,ano ba yan kagustuhang kumita kailangan pang manira ng sobra sobra sa tao………………

  3. dati nakakatawa si shalala..ngayon hindi na..kahit kaibigan niya tinatalo tulad ni arnell ignacio..tapos yung BI niya pa hindi naman maintindihan kahit may action..tawa kasi ng tawa

  4. Oi tangnamoka @?.@?! Ka talaga sarap mong tusukin ng barbecue stick akala mo qng cnu ka masahol kp s mga idol mo n c cristy demonic fermin at alipunga n tinubuan ng mukha na si shalala! Kesa manood aq ng juicy mas papanoodin q pa ang mr bean,,,, ano b e expect ntn s juicy puro mga mukhang pera at immoral ang andun,,, pasintabi s knila! Pwei”

  5. Kayo naman! Talaga namang nakakahiyang magtinda ng barbecue noh! O kaya inihaw…eeeeww!…negosyo ng mga purita yon! Kayo kung gusto nyong mag ihaw, ako never ever!…

  6. SI SHALALA MUKHANG PAANG MAY ALIPUNGA!!!!!!!!!!!!!!!HAHAHA……..WHAT DO YOU EXPECT FROM AN UGLY FACE SUCH AS THAT? EH DI UGLY STORIES!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!HAHAHAHA

  7. Marami na talaga ang me reklamo dyan sa JUICY na yan pero patuloy pa rin ang PAGBANAT hehehe… Walang masama sa pagtinda ng barbecue ke banana Q pa yan o kamote Q o kahit pagtinda ng balut o penoy o kahit pagtinda ng sampaguita o ano-ano pa yan marangal na trabaho pa rin yan at pagkakakitaan sa tamang paraan. Ang masama ang magtrabaho ka ng puro paninirang puri at pagpapahiya sa kapwa tao at pagpapakalat ng maling balita o di ba shalala? cristy fermin? hehehehe… Parang masarap yata ang barbecue -han ni Melissa san kaya yan at maka order nga PAMPULUTAN hehehe…

Leave a Reply

Your email address will not be published.