Melindo, Binigo ng Mehikano

NABIGO SI Milan “El Metodico” Melindo (29-1) na maagaw ang titulo bilang flyweight champion kay Juan Francisco Estrada (25-2).

Ito ay makaraang talunin siya ng Mexican fighter sa 12 rounds ng laban sa Macau via unanimous decision.

Nagtala ng score na 118-109, 117-109 at 118-109 para sa tatlong hurado.

Una rito, maagang nagpamalas ng husay si Melindo sa kanilang match, subalit sa huling bahagi ng bakbakan ay bumawi ang Mehikano.

Maaalala na sinabi pa ni Estrada bago ang laban na kabisado niya ang mga galaw ni Melindo kaya nag-training siya nang husto upang paghandaan ito.

Samantala, nasungkit ng kampeon ang kanyang korona sa isa pang Pinoy boxing champ na si Brian Viloria noong Abril.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.