Melanie Marquez, ikinuwento ang dahilan ng pagiging Mormon

Melanie-MarquezISANG MORMON na si Melanie Marquez. Actually, she turned into a Mormon fourteen years ago.

Nakausap namin si Melanie sa premiere night ng Meet The Mormons, a movie which tells the diverse stories of six devout members of the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

Sabi ni Melanie, naging instrumental sa pagiging Mormon niya ang pagkamatay ng kanyang ina.

“Nu’ng namatay ang mother ko, siyempre gusto kong makasama ang mother ko sa kabilang buhay. Naging katanungan ko ‘yon na tinanong ko talaga sa iba’t ibang relihiyon,” paliwanag ni Melanie sa amin.

“Walang nagbigay sa akin ng klaro, walang nagsabi… ‘yung priest na nakausap ko, nagsabi sa akin na ‘yung nanay ko pupunta sa langit, pati na rin ako, pero hindi kami magkakakilala. Ang gusto ko, magkaroon ng pamilya, kung ano ang pamilya ko rito ay pamilya ko rin doon,” dagdag niya.

“Lahat ng katanungan ko kahit noong bata ako like ano ang ginagawa ko rito sa  mundong ito ay nasagot talaga nang klaro ng simbahang ito. We have the fullness of the gospel. Na-overcome ko rin ang fears, takot sa buhay ko sa araw-araw at saka sa security ko. Iba ‘yung nangyari sa akin dito. Kumbaga nagkaroon ako ng pag-unawa nang mahaba, nag-iba ang pananaw ko sa buhay.”

Showing na today ang Meet The Mormons sa mga sinehan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Melanie Marquez, ikinuwento ang dahilan ng pagiging Mormon

  1. Hahaha.brain wash ba kamo?? Ignorante ka lng. . .kawawa ka naman, naligaw ka na ng landas pabalik sa piling ng Panginoon, IGNORANTE Ka pa. . .may your IGNORANCE save you. .

  2. Naku melanie, kung kaya ka nag moron ay dahil sa makikilala mo pa nanay mo pagdating sa langit daw ay na brain washed ka lang. tama cnabi ni pari sa u, nsa bible un na hindi mo makikilala family mo dhil sa langit ay isang malaking family tayo ni god. At saka hindi mo rin alam kung langit o impyerno destino mo dhil hinihintay pa natin ang paghuhukom.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.