Melanie Marquez, 3 buwang magpapagaling matapos maaksidente

Melanie-Marquez Melanie-MarquezNASA MABUTING kalagayan na raw si Melanie Marquez na nasa hospital pa rin sa Utah nang nakausap namin sa Startalk nu’ng kamakalawa ng hapon.

Umiiyak nga ito nang nakausap namin dahil hindi raw niya akalaing malalagpasan niya ang aksidenteng ‘yun, kung saan sakay pa niya ang anak niyang si Adam.

Medyo matatagalan si Melanie sa pagpapagaling dahil sabi nito, na-fracture daw ang spine niya at nabali raw ang sternum niya, kaya tatlong buwan daw siyang naka-brace, kaya humihingi pa ito ng dagdag na dasal para sa mabilis  niyang paggaling.

Malaki ang pasasalamat ni Melanie sa Diyos dahil pakiramdam daw niya merong anghel na bumuhat sa kanya para makaakyat ito sa bangin kaya nakatawag siya sa anak niyang si Maxine at nakahingi sila ng tulong.

Nu’ng kinuwento ni Melanie sa amin sa Startalk ang aksidenteng nangyari sa kanya, parang itinaya na lang niya pala ang sarili niya nang nadulas sila sa kalye dahil hindi niya binangga ang ibang sasakyan. Kaya sila lang ang nahulog sa bangin at hindi nga raw sila makapaniwalang nabuhay pa sila.

Balak ni Melanie na umuwi rito sa bansa kapag magaling na siya talaga, dahil tatlong buwan siyang naka-brace.

Nagpasasalamat na rin si Melanie sa lahat na nagdasal at nag-alala sa nangyari sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.