Melanie at Gretchen, patalbugan sa rampa!

IPINAGDIWANG NG METRO Magazine ang kanilang 20th anniversary kamakailan na ginanap sa Manila Hotel Tent City. Bahagi ng kanilang pagdiriwang ang fashion show na Samsung Metro Wear, na dinaluhan ng mga bigating designer, celebrity, at fashionista ng bansa.

Isa sa mga highlight ng nasabing fashion show ang patalbugan sa pagrampa ng dalawa sa mga walang kupas sa kagandahan na sina Gretchen Barreto at Melanie Marquez. Kapansin-pansin ang kaningningan ni La Greta sa kanyang black and white gown, di mo aakalaing nasa 40’s na si Greta habang rumarampa sa mahabang stage. At siyempre, ‘di nagpatalo ang mala-Afro na kagandahan ng beauty titlist na si Melanie Marquez. Noong una, ‘di mo masyadong makikilala ang negrang naglalakad sa stage, dahil sa kanyang maitim na mukha at kulut-kulot na buhok na inayos ni Fanny Serrano. Talagang in character at sasayaw-sayaw pa si Melanie sa pagrampa sa stage na halatang ‘di padadaig sa kagandahan ni Gretchen.

Photos and Story by Allan F. Sancon

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.