Melai Cantiveros is now a movie star!

KUNG DATI RATI ay sa panghapong programa lang bumida si Melai Cantiveros, ngayon ay pinasok na rin niya ang pagi-ging lead actress sa isang pelikula. Ang PBB Double Up Grand Winner turned actress ang bida ngayon sa upcoming Star Cinema flick na The Adventures of Pureza: Queen of the Riles.

Tampok din sa nasabing pelikula ang real and reel boyfriend nito na si Jason Francisco, kaya sobra-sobra lang ang tuwa ng mga loyal Melason fans. Ka-join din sa pelikula sina Bianca Manalo, Joem Bascon, Martin del Rosario, Bekimon at Ms. Gina Pareño.

Sa July 13 na ang showing nito at ngayon pa lang ay iniintriga na ang launching movie ni Melai. Siya na nga ba ang bagong paborito ng Star Ci-nema? Over-over sa reaksyon, huh?!

 

BIANCA KING, MAY MATINDING PASABOG TUNGKOL SA KANYANG PAMILYA?

Masaya ngayon ang Kapuso actress na si Bianca King sa tinatamasang tagumpay ngayon ng Sinner or Saint, ang afternoon drama series na pinagbibidahan nila nina Dennis Trillo at Alessandra de Rossi.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay gumanap bilang inaaping sentensyada ang dalaga. Pitong taon din ang hinintay ni Bianca King bago siya bigyan ng Kapuso Network ng isang lead role sa teleserye. Pansamantalang huminto muna ito sa pag-aaral para sa palabas.

Dahil sa kanyang mestiza features, marami ang nag-aakalang galing sa mayamang pamilya ang aktres. Sa isang tell-all interview sa isang sikat na magazine, inilahad diumano ni Bianca King ang tunay na financial standing ng kanyang pamilya. Katulad din kaya ito ni Alessandra de Rossi na kanda-ugaga sa pagtatrabaho para sa pamilya?

 

SAM PINTO, ATAT NA ATAT KAY ALJUR ABRENICA?

Walang kiyemeng ipinaabot sa press ni Sam Pinto na type niyang makatambal si Aljur Abrenica. Nagkasama ang dalawa sa Ang Spooky Mo presents: The Ringtone, pero si Kris Bernal ang ka-loveteam ng binata.

Nagpakita naman ng interes ang kampo ng aktor at nasabi pa nito na wish nila’y mabigyan din sila ng oportunidad na makatrabaho muli si Sam. Ito naman ay ikinatuwa ng dalaga at ayon din sa kanya, wala namang dapat ipagselos si Kylie Padilla dahil wala naman sa personality ni Sam ang pagiging relationship wrecker…  ‘ata.

 
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

10 thoughts on “Melai Cantiveros is now a movie star!

  1. GO MELAI!!!! pero kita panty mo nung isang araw sa Happi Yipee Yehey! hahahaha cotton ba yun 100% mukhang madumi at di nalalabhan o pinapalitan na ng ilang araw ah! ahahahaha

  2. I love the Melason . I will surely watch this, super kwela si Melai at knowing Direk Soxie Topacio siguradong riot sa katatawanan ang pelikula. go go go Melason

  3. SANA KUNG PAANO NATIN CLA SINUPORTAHAN SA PBB SANA NGAYON IPAKITA ULI NATIN ANG ATING SUPORTA SA # MELASON  SA KANILANG KAUNA UNAHANG PELIKULA ANG PUREZA

  4. kung  noon sa bahay ni kuya sino supportahan natin sila  mas lalo naman ngayon. i’m a solid a supporter of melason.  For sure,  my whole family will watch Pureza at Tangkalin muna natin ang pelikulang pilipino bago ang iba.  sa pureza hindi natin kailangan ang dictionary.

  5. Good luck Melai and Jason a.k.a. MELASON on your launching movie PUREZA!!! This will be a blockbuster movie of the year! Thanks Pinoy Parazzi for this nice article:)

Leave a Reply

Your email address will not be published.