MELAI CANTIVEROS, INAGAW ANG BLESSINGS NI POKWANG?!

OLACHIKKA! NOW na! More chikka, more fun na naman ang inyong Tita Swarding dahil mainit na talaga, kaya humataw na agad tayo! Pero bago tayo magsi-mula, salamat muna sa Hudson paint dahil talagang gumanda ang bahay ko at luminis pa! In fairness sa Century Chemicals Corporation na walang sawa talagang sumusuporta sa akin. Thank you very much!

SINABIHAN DAW SI Melai Cantiveros ni Pokwang ng ‘cheap’ ito? Inagaw raw kasi ng ex-Pinoy Big Brother housemate ang lahat ng dapat ay blessings ngayon kay Pohkey. Nakakaloka !

Ang sabi naman sa akin ni Pokwang, wala siyang sinasabing masama kay Melai. Share the blessing na lang daw. Wala rin naman daw nagbago sa komedyana, kasi, talent pa rin naman siya ng ABS-CBN. May darating daw siyang projects ngayong April. At ayaw niya rin naman daw masabihang suwapang kung sa kanya na lahat. Tama!

Dagdag pa ni Pokwang, kung ano ang para sa isang tao, ibigay natin ‘yon. Huwag daw tayong magdamot sa kapwa natin. Ang dapat daw ay maghintay ng para sa atin.

NAKAKAWINDANG NAMAN ITONG si Cristine Reyes sa sagot niya sa isyu nila ni Sarah Geronimo. ‘Joke’ lang daw ang lahat ng binitiwan niyang salita.

Hay, naku ! Pagkatapos ng kung sinu-sino na ang nadamay, saka niya sasabihin na ‘joke’ lang ‘yon?! Dedmahin na lang nga ang mga ‘yan at hintayin na lang natin kung ano pa ang mga ibubulgar nila! Hahaha!

BLIND ITEM: SINECH ANG aktor na itech na napakagaling umarte at hardworking talaga, pero ayon sa ating Parazzi girl, ay unti-unti nang napapanot ang tuktok?! Nilalagyan na lang daw ng itim na powder ng kanyang alalay ang bumbunan ng lolo n’yo para hindi ‘yon mahalata. Hahaha!

Naku, dapat ay inaalagaan ng lolo n’yo ang kanyang hair! Dahil kung hindi, magla-lock na lang siya sa kanyang kuwarto para itago ang kanyang ‘HIV’ – hair is vanishing, gagah! Hahaha!

For more chikka, makinig na lang kayo Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12:00 ng tanghali, kasama si Lady Camille sa DWSS 1494khz. Every Sunday naman sa DZRH 666khz 2:30-3:30 ng hapon!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

7 thoughts on “MELAI CANTIVEROS, INAGAW ANG BLESSINGS NI POKWANG?!

  1. dati ayaw ko kay melai pero mula ng napapanood ko siya sa HYY ay natuwa na ako sa kanya. Lalo na pag mali-mali ang ingles niya. lol!

    • Ako rin, gusto ko sya kasi hindi plastik, prangka, orkidia nabasa mo ba yong article ni Melai na crush nya si Jericho Rosales at tinawagan nya ito, nakakaluka.

      • hindi eh! saan mo nabasa? My son had warned me to quit going to the sites that i frequent coz both my desktop and laptop got infected again. I'm just lucky enough that I got him as my IT so he was able to clean it. Ang bagsik ng trojan kahit na meron akong anti-virus, nadale pa rin ako. :-)

      • Sabi ko sa kanya, para na niya akong pinutulan ng dalawang kamay pag ginawa ko iyon, lol!

      • Ha! Ha! Ha! Ha!, nakakatawa ka talaga. Doon ko nabasa sa pep.ph under Pep Alert, galing sa blog ni Giselle Sanchez, fan daw si Melai kay Jericho, so tinawagan daw nya, ang sumagot si Jericho hindi raw siya makapagsalita so na hung up nya, later on daw sinabi ni Jericho sa kanya, na Melai kunin ko yong number mo kasi may fan ka yata na tumawag sa akin na nagpanggap na Melai. So sinabihan daw niya si Jericho, hindi yon fan, ako talaga yon Jericho. he he he, nakakatawa itong si Melai. Basahin mo doon kasi maraming interview nya doon at mayroon din syang spoof doon. Nagandahan ako ni Melai at gusto ko sya kasi hindi pretensyosa at prangka.

    • …neknek,….ang galing mo naman kuha mo agad….pano na kaya yun pag panot na si jcl?bawas pogi point ba yun?

Leave a Reply

Your email address will not be published.