Melai Cantiveros and Jason Francisco reveal their private lives!

 

MAALIW KA NAMANG talaga kapag nakaharap mo sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Na sinugalan ngayon ng Star Cinema sa pamamagitan ng kanilang indie arm sa pelikulang The Adventures of Pureza.

Kasi, ke nasa likod o harap ng camera, pareho lang ang dalawa sa pagiging natural at totoo nila sa mga kumakausap sa kanila. Kaya nga masarap si-lang kausapin, eh.

Gaya nu’ng mag-promote sila sa GenSan noong Sabado. Nabalitaan daw ito ni Mommy Dionisia na ang nakarating sa kanya eh, nandu’n si Roben Padilla at si Pureza. Hindi raw kilala ni Mommy Dionisia siyempre si Pureza, pero nu’ng marinig niya na si Roben, go siya sa Robinson’s Mall at nagulat nang ang dalawa ang tumambad sa kanya. Pero natuwa rin siya kay Melai, pati na kay Jason. Naantala pa raw kasi ang pagpapa-kuko nito ayon kay Melai. Ang ibig palang sabihin eh, pagpapa-manicure.

Laglagan nang laglagan (without them knowing it) ang nangyayari sa dalawa sa patuloy na pag-uusisa sa kanilang love life. Nabuking si Jason nang tanungin si Melai kung natutulog na ba ito sa bahay niya sa Binangonan. Sabi ng komedyana, hindi raw dahil baka bugbugin si Jason ng Kuya niya.

Sabi naman ni Jason na sa Sct. Rallos nakatira, natulog na raw siya sa bahay nina Melai. Pero kasama naman ang mga kaibigan nila. Dahil mas malapit na doon ang location ng next scenes nila. Nagsawa na raw si Melai sa patuloy na kakaselos kay Jason.

Ipinakumpara kay Jason si Melai at sa kasama nila sa pelikula na si Bianca Manalo. Paano raw kung ganoon kaganda ang katabi ni Jason.

Sabi nito, perfect na raw si Bianca, eh. Si Melai, medium lang, ‘yung may mga kulang pa. At saka, natuto na raw siya. Kulang na lang na ang ibulalas nito eh, okay na sa kanya ang hindi gaanong kagandahan. Hagalpakan nang hagalpakan sa kakatawa ang press sa dalawa.

At maski na ang direktor nilang si Soxie Topacio eh, nahihilo rin sa kakatawa sa mga stars niya. Madali raw malaman kung may away ang dalawa. Minsan daw, may change location sila, pagdating nu’ng isa sa set, naka-taxi na. Pero pagdating naman daw sa mga eksena nila eh, okay ang dalawa.

Ang dami pang quotable quotes sa dalawa. At 23, plano raw ni Melai na pagtuntong niya ng 25, magpakasal.

Salag naman ang Gina Pareño na maghintay pa ng ilang years at habang mainit pa sila eh, career muna ang unahin. Say ng Melai, sige raw, pag 45 na lang siya.

 

GULAT KAMI SA balitang tumambad sa amin at mapanood ang isang kasambahay na inirereklamo sa kasong pagmumura, pananakit at pananakot pa na babarilin siya ng Diamond Star na si Maricel Sor-iano.

Kitang-kita naman ang nahihintakutan pa rin at tila may trauma ang kasambahay sa diumano’y sinapit niya at ng iba pa niyang kasamang naninilbihan sa aktres sa 46th floor ng condo unit nito sa Rockwell, sa Makati.

Nakatakas ang nasabing mga kasambahay nang magpaalam naman sila sa administration office ng nasabing building, kung saan itinago rin muna sila bago nabigyan ng release, sa tulong na rin ng anak ni Maricel na si Tien (Sebastien) na pumirma ng kanilang release form the said building.

Sa mga nakakausap namin sa industriya na nakatrabaho na rin at nakasama ang Diamond Star, gulat ang lahat ng reaksyon nila at hindi makapaniwala na ang ganitong insidente ang kanyang kasasadlakan sa estado niya.

Nakatutok din sa nasabing isyu ang pag-iimbestiga ng pinagsumbungan ng nasabing kasambahay na si Mon Tulfo.

From the looks of it, ipaglalaban ng nasabing kasambahay ang karapatan niya sa pang-aabusong nakamtan niya diumano sa paninilbihan niya sa nakilalang mataray na aktres sa showbiz industry.

At malamang, marami pang masagot na mga katanungan tungkol sa Diamond Star. Na aminin nating ilang beses na naging usap-usapan ang biglaan na lang pagkawala sa limelight after nitong sumalang na sa ibang istasyon.

 

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

6 thoughts on “Melai Cantiveros and Jason Francisco reveal their private lives!

  1. peo panalo talaga yung mga expression ni melai ahh like over-over..kaya lang pansin ko lang..(makakarelate d2 mga taga STA. MESA, MANILA)..ang riles dun ay nasa TERESA..LRT ang nasa PUREZA nohh..In short..MALI ang title nila!!!

  2. i really like the tandem of melai and jason nung nasa PBB pa sila..sobrang natural at may kilig factor kahit na hindi naman sila ganun “ka-good looking”..parang sila yung mga artista na kailangan may kaloveteam para sumikat..naku,,hintayin na lang natin pagnaghiwalay sila..ano kaya mangyayari sa career nila?!!

  3. Super agree po.  Napakatotoong tao po nila.  Kung ano ang nararamdaman nila yun ang sinasabi nila.  Walang halong kaplastikan.  Keber sa sasabihin ng ibang tao.  Kaya naman po hinahangaan sila bilang magkasintahan.  

  4. nice kuwento about sa melason at least nag pa ka totoo sila walng tinatago d ka na masyado makakita na mga artista na ganyan d ba yong nag pa ka totoo talaga yan kong bakit dami fans nila o d ba

Leave a Reply

Your email address will not be published.