Melai at Jason: nakatutuwa ang comic loveteam

LIKAS SA ATING mga Pinoy ang pagiging masayahin. Hindi ba’t kahit mayroong mga problema ay nakangiti pa rin tayo, iniisip na darating ang araw na malalagpasin din natin ang mga pagsubok sa buhay? Kaya naman patok ang comedy mapa-telebisyon man o pelikula dahil sa ilang oras o minuto na panandaliang aliw na hatid sa atin.

Marami sa mga kabataan ngayon ang hindi nakapanood sa comic pairs nina Patsy at Lopito at nina Chichay at Tolindoy. Noong araw ay talaga namang hahagalpak ka ng tawa kapag napanood mo sina Patsy at Lopito bilang mga hosts sa amateur singing contest na Tawag ng Tanghalan, o kaya naman kapag napanood mo sina Chichay at Tolindoy sa pelikulang Gorio and Tekla, Bondying, Bim Bam Bum at Mister Kasintahan.

Siguro ay ngayon lang tayo muling magkakaroon ng comic loveteam with Melason, the monicker of Melai Cantiveros and Jason Francisco. Bakit nga ba sila click sa mga fans?

Nakatutuwang panoorin sina Melai at Jason sa loob ng PBB house. They were like kids when they jumped into the swimming pool. Just like their theme song “Can’t Take My Eyes Off You”, fans now can’t take their eyes off Melason. Ibang klase kung maglambingan sina Melai at Jason. Cariño brutal. Kaya naman ipinatupad ni Big Utol ang Melayo Act of 2010 which prohibited the two from getting close to each other within three meters because they became too violent and physical with each other.

The housemates relied on each other while inside the house at si Melai ang naging hingahan ng saloobin ni Jason gaya nang regaluhan siya ni Big Brother ng isang tricycle. Pero bago niya ito makuha ay kailangan muna niyang maging katulong ng mga housemates sa loob ng apat na araw. Medyo nahirapan si Jason sa mga utos ng kanyang mga senyorito at senyorita but Melai encouraged him not to give up because the tricycle was for his family’s livelihood.

Ang haba ng buhok ni Melai dahil sa naging love triangle nila nina Jason at Roy. Jason sacrificed walking continuously for 17 hours na katumbas ng 1,503 minutes or 1,503 km distance from Big Brother House to General Santos para lang magkita at magkausap sina Melai at Roy. All’s well that ends well because the real status of Melai and Roy’s relationship was clarified. Natuldukan ang dapat matapos at isang bagong kabanata ang nagsimula sa lovelife ni Melai.

Pero ano itong balita na ngayon pa lang ay nagkakaselosan na sina Melai at Jason? Nagselos daw kasi si Melai nang mag-guest sila ni Jason sa The Buzz at Wowowee because she saw Jason flirting with his female fans. But Jason assured her that she has nothing to worry about despite all the attention he’s getting from women.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

14 thoughts on “Melai at Jason: nakatutuwa ang comic loveteam

  1. We Love you Tito Boy A., alam namin love na love mo din ang Melason at alam namin nasa loob palang sila ng bahay ni Kuya excited kana na ma interview mo sina isay at ison. Wish pa nga namin dito sa Canada ikaw ang maging manager nila eh…We Love Melason here in Canada, and We Love you too Tito Boy.

  2. awwww we love you soo soo much melason here in maryland USA.. Thank you tito boy for being nice sa melason.. we love you din owver. sana ikaw nalang maging manager nang melason cuz since nung una consistent kana saknila..

  3. kaya sila naging sikat dahil totoo silang tao walang halong ka showbizan at kaplastikan…at kaya love namin kayo MELASON…

  4. sana si tito boy ang manager ng melason.and sana i guide ang melason ng abs we are just here to support watever their projects in abs..god bless melason!

  5. melason lang ang naka pag hook at nag pa addict sa akin sa showbiz world!lalong lalo na sa pbb 24/7 live streaming ..until 5 a.m. ako nag aabang just to witness melason goodnight/gdmorning kiss bago sila matutulog,,,ganun ka tindi ang melason sa amin!

  6. sana melason will take the advise of gerald anderson para maging successfull sila sa love and carreer..long live melason!

  7. sabi nga ni rica…theyre tandem match made in heaven….love comes unexpected places…now i realize that i saw jason that he really loves isay from up above…so that i love them both…

  8. kaya nga mahal sila ng tao dahil tunay na unique ang trueloveteam nila… go melason… proud 2 be 1 of the nalason ng melason…

  9. JASON NEEDS MELAI. kulang c jason sa attention kaya lagi syang tahimik at laging malalim ang iniisip inside pbb and my pagka weird c jason n c melai lang nakahuli ng ugali at nag bibigay ng ngiti sa face ni jason.

    MELAI NEEDS JASON. maraming insecurities c melai and c jason ang nag bibigay sa kanya ng confidence sa sarili. lagi nya sinasabihan c melai n maganda sya.

    they are perfect for each other….

    and bec of them.. i realize that TRUE LOVE REALLY EXIST… thanks to melason for making my life so meaningful. you inspire me. sobra..

    • FYI hindi daw cla loveteam. couple daw cla… hehehe jason said (while inside the house) ang love team daw hindi totoo ang sa kanila ni melai totoong love daw.. ooohhh kalamee

  10. hindi secure sa sarili si Melai kaya palaging nagseselos. Understandable naman. Hindi naman siya pam- beauty queen kasi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.