Melai at Jason, may blessing agad sa kanilang pagbabalikan

Melai Cantiveros and Jason Francisco with their daughter

Melai Cantiveros and Jason Francisco with their daughter

Mabuti naman at naayos na ni Melai Cantiveros ang lovelife niya with husband Jason Francisco.

After na mag-away sina Melai at Jason (dahil sa selos at insecurities ni lalaki) at nagkahiwalay saglit ang dalawa, nagkabalikan na sila with matching good news na dala-dala nila.

Sa kanilang pagbabalikan, ibinalita nila on national television last Friday morning (September 30) sa show ni Melai na “Magandang Buhay” na preggy siya at magkakaroon na ng kapatid ang kanilang panganay nila ni Jason.

This is a good news indeed at ang kagulahan sa pagsasama ng dalawa, nauwi rin sa muling pagsasama as husband and wife at sa pagpapatuloy ng kanilang pagmamahalan.

Kaya si Jason, huwag nang mag-emote kung si Melai ay mas sikat at mayroong career kumpara sa kanya, dahil ‘di hamak na mas magaling naman talaga ang loka-loka.

The best way ay pagtulungan nila ni Melai ang pagbubuo nila ng kanilang matibay na pagsasama at pamilya.

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.