Melai at Jason, ipinakita na ang masamang ugali!

SA PANONOOD NAMIN ng Pinoy Big Brother Double Up ng ABS-CBN recently, partikular na last week, kung saan may “Resbak-Attack” ang drama ng pagresbak ng ex-housemates, nakita ng taumbayan ang tunay na pagkatao ng sinasabi pa man ding “malakas” na mag-wagi o makasama sa Big 4 – sina housemate Melai at housemate Jason.

Ito ay ang aspetong may pagkatamad ang dalawa. Na habang ang ibang housemates nila na sina Tibo, Mariel, Johan, at Paul Jake ay nakikipagsapalaran sa pakikipaglaban sa task ng ex-housemates na pataubin ang man-made tore nila (nilagay sa gitna ng swimming pool, the task ay hindi dapat ito matumba ng kalaban), ito namang “Melason” loveteam eklat ay tamad-tamarang ayaw makisawsaw o makilahok sa task!

Pagpapatunay lang na tamad ang dalawa, o wa’ care sa team effort.

Although may katuwiran naman sila na mas pinapanigan nila ang friendship nila with the rest of the housemates – ex man o current.

Well, malalaman natin kung type pa rin sila ng taumbayan dahil nominado sila pareho this week, at ngayong Sabado malalaman kung may matsuging isa man sa dalawa.

It would be recalled na nu’ng kalagitnaan ng show, kilig-kiligan at talaga namang nakatutuwa ang “Melason” loveteam kuno, dahil natural ang kanilang mga hirit, although may nagsasabing “scripted” ang kanilang drama. Pero kami man nga ay naaliw sa kanila in the early weeks, pero laking turn-off namin sa katamarang ipinakita nila sa publiko last week!

So, mukhang ‘di dapat magpaka-sitting pretty ang Melai at Jason na papasok sila sa Big 4 dahil dito, dahil nakita ang tunay nilang ugali pagdating sa teamwork at sariling paninindigan sa buhay, huh!

Magkaganu’n man, may nagsabing kasado na ang comedy film ng Melason team, kasama sina Pokwang and Pooh under Star Cinema, pero ang Ad Prom people ng film outfit ay hindi pa ito makumpirma as of press time, at ibang mga film titles pa lang ang nabanggit nito, starting off with Paano Na Kaya? nina Kim Chiu and Gerald Anderson na kasalukuyang pinipilahan ng kanilang teen fans sa mga sinehan, huh!

VERY HUMBLE FOR Judy Ann Santos sa pagsasabing sana raw ay silang dalawa ni Claudine Barretto ang nasabihang Queens of Teleserye or mga Reyna ng Pinoy Soap Opera, or whatever titles ang ikinakabit ngayon sa young superstar, sa kanyang pagbabalik-primetime via Habang May Buhay na magsisimula na sa Lunes.

Time and again, sina Judai and Claudine lang naman talaga ang magka-level in terms of superstardom, and this we mean eh, sa mga ka-batch niyang actresses – award-winning at that – at hindi kasama ang hindi nila ka-age bracket, at hindi nakapag-bida sa blockbuster at award-winning films.

Ang nakatutuwa kina Judai and Claudine, magkalaban man ang kanilang mga kampo, or ang kani-kanilang hukbo ng fans, nananatili ang respeto nila for each other.

Hats off ang press people sa statement na ‘yon ni Judai sa Habang May Buhay presscon sa bonggacious na Fernwood Gardens sa Quezon City last week, kaso nga lang ay nagdesisyon na si Claudine na mag-ober da bakod na sa GMA-7.

Bagay na inamin din ni Judai apat na beses din niyang tinangkang lumipat sa Kapuso dahil sa more than two years na paggawa ng said teleserye, kung saan kasama nito sina Derek Ramsay, Joem Bascon, Rio Locsin, Tetchie Agbayani, etc.

Samantala, mukhang hindi pa ‘ata mabibigyan ni Judai ang pag-rest sa sarili upang mabuntis, kahit ito yata ang type ng kanyang OB-Gyne, dahil sa tambak nitong commitments left and right – TV, movies, and endorsements.

Nasa kasagsagan din ng shooting si Judy Ann ng Hating Kapatid na new movie nito with Sarah Geronimo, under Viva Films, directed by Wenn Deramas.

For feedback, e-mail us at mell_navarro@yahoo.com.ph

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

46 thoughts on “Melai at Jason, ipinakita na ang masamang ugali!

  1. MUKHA NIYO!! MAS SCRIPTED ANG MGA MUKHA NIYO! HAHAHA.. SORRY GUYS WALA NA KAUNG MAGAGAWA..

    AND THE BIG WINNER IS : MELAI HAHAHAH..
    MELASON MERON NANG MOVIE, MELASON INLOVE, STAR MAGIC STARS NA SILA, MERON PANG PRECIOUS HEART ROMANCES, IMPOSTOR, KOKEY AND MANY MORE TO COME HAHAHA.. SORRY PERO WALANG NAGAGAWA UNG MGA PANINIRA NIYO, PERO THANK U NA DIN DAHIL SAINYO DUMADAMI ANG SUPPORTERS NANG MELASON HAHAHAHA.. NOOD NALNG KAU NANG GMA, KASI DUN LAHAT MGA LOOSERS NANDUN EXCEPT REGINE AND OGIE.. KASI KAPAG DITO ABS-CBN MELASON ANG LAGI NIYONG MAPAPANOOD HAHAHAHA…

  2. Masyadong mababa ang qualification basis ng PBB Philippines, dahil lang sa nakakatuwa at love team winner na agad? Dapat kung paano ipinakikita ang isang huwarang kabataang pilipino base sa pag uugali, sa magagandang values na ipinakikita sa loob ng bahay ni big bro. I have nothing against Melai or Jason or Paul Jake…etc. Sana hindi idinadaan sa voting or sana 50% of votes manggagaling sa mga council or house critics.
    Peace out. :)

  3. SA LAHAT NG DETRACTORS NI MELAI:
    MAMATAY KAYO SA INGGIT!!!!!

    CGE LAITIN NIYO PA SIYA PHYSICALLY, KAHIT ANONG MASASAKIT NA SALITA PWD NIYONG SABIHIN THIS IS A FREE COUNTRY.. PERO I BELIEVE IN KARMA (HAHAHAHA melai mode) MAKAKARMA DIN KAYO…

    NEGATIVE COMMENTS MIGHT HURT HER (w/c is normal) BUT BASED FROM HER PERSONALITY I KNOW SHE CAN HANDLE ALL THE HATERS AND PINTASERO IN THE WORLD….

    GO GO GO MELAI. YOU DESERVE IT. I KNOW YOULL BE SUCCESSFULL..MINSAN LNG AKO MAG COMMENT AND MINSAN LANG AKO MAGING FAN NG ARTIST PERO D PA RIN NAGKAKAMALI ANG INSTINCT KO.LIKE WHAT HAPPEN TO KIM CHIU….

  4. MELASON! DA BEST!

    Mga kanguso, anu pala nangyari sa SURBABOY NYO???

    nag-rate ba yun??? may nakilala ba dun???

    kawawa nman hahaha

  5. INGGITERANG BAKLA!

    HAHHAHA

    siguradong binayaran ng KANGUSO GME! HAHAHHA

    kawawa naman kasi ang mga kanguso, kahit anung gawin hindi mapabagsak ang MELASON! HAHAHHA!

  6. theater actress pala si melai sa totoong buhay before siya nakapasok sa PBB! kaya pala minsan daw may pagka-OA ang acting niya…memorize na rin daw nila ni jason kung saan nakapwesto lahat ng camera sa loob ng bahay kaya pag nagkukulitan ay sadyang doon daw lagi sila pumupwesto para sa kanila paratin naka focus yung camera at mabuild up yung loveteam sa loob ng bahay! yan ang chika sa radio show ni Dolly Anne Carvajal & Ambut Nabus!

    • kung yan ang nadinig mo din din cla ang OA.kung dka naka panuod sa kanila panuorin mo. yung gma nag saabi nah d maganda sa melason namin mga inggit lang yan. pero mga bugok naman pag napanuod nila tawa din naman mga hunghang naman…mga tanga pa.. melason rock around the world nah kaya yung mga inggit gawa din kau.

  7. hoy di sila tamad ikaw ang tamad maghanap ka nga ng matingnung trabaho..may sarili silang paninindigan ikaw writer meron ba??

  8. obvious na either Melai or Jason ang manalo. The fans have nothing to complain about. May movie na silang nakaabang diba.. Basta Tapusin na ang PBB. niloloko lang nila ang mga viewers & texters at pinaglaruan lang ang ibang housemates. for those wishing to vote for the other housemates (aside from melai & jason)….huwag ng mag-abala…. kasi LUTONG LUTO na ang results. sayang lang ang pera.

  9. BAKLANG INGGETERA! HAHAHHA

    GO MELASON!

    UNA SI MELAI SA VOTES, SECOND SI JASON! HAHHA

    KAHIT ANUNG PANINIRA WALA NA KAYONG MAGAGAWA HAHAHA

  10. HAHAHA

    NANIRA PA ANG BAKALNG REPORTER NA TO! BINAYARAN NG GMEEEEEWW HAHHAA

    Kahit anung gawin nyo, hindi matatanggal ang MELASON! hahhaa

    MATANDARNA pinabagsak ng MELASON! HAHAHAH KAWAWA NAMAN!

    MELAi BIG 5 NA AGAD! HAHHAA

    Top 1 sa votes si Melai! Top 2 si Jason! hahhaha

    kawawang mga kanguso, traying hard talaga! hahaha

  11. i agree to jason. mahirap mapagitna sa awayan..ang bait nya nga eh.. basta ako i voted for them.. tong reporter na to inggetera.

  12. deserving maging Big 4 si PAUL JAKE at TIBO dahil never nag give up sa kahit anong task…di tulad ng melason lalo na ni jason sobrang tamad at namimili lang ng task na gusto niya yung wala masyadong effort…pati yung task nila ni PJ na ubusin yung tubig na binigay ni Big Utol as punishment hindi rin niya sinunod at sa ref siya umiinom ng tubig imbes dun! napaka tigas ng ulo ni jason at sobrang tamad rin kaya unfair naman na ang naging puhunan niya kung mananalo siya sa PBB eh yung pinakita niyang katamaran at kabastusan sa loob ng bahay!

    • deserving ba talaga ang dalawang kupal na ito e hanggang ngayon di pa rin makapaniwala na talo sila ni melai. pag silang dalawa ang magkausap purihan ng purihan. tamad man si jason, wala siyang panghihinayang sa mga ikinikilos niya. ito ang tunay na tao na di tulad ng dalawng kumag na ito na premyo ang iniisip lalo na si tibo, palaging paawa, pati pamilya isinasama niya. evict these two guys, palalo, mayabang at orocan.

  13. WALANG KABOG YAN SA LOVE-TEAM NA ITO….FOREVER SIKAT ITO, YAN AFTER ILANG MONTHS LANG PAGLABAS SA PBB, WALA KASIKATAN, SAME AS MANY EX-PBB HOUSEMATES LOVE TEAM KUNO…

  14. yung iba rito pa english english pa, pwede ba magtagalog na nga lang kayo!!!

    siguro si melai maniniwala pa ako na mabait,

    pero etong si jason naku nuknukan ng tamad yan, di ba kaya nga nanonominate lagi nung start ng season? lagi pang patalo dahil sa violations (nakuhanan ng karne yung house nila dati, hindi nakaligo ang housemates dahil sa kanya, umihi sa pader at marami pang iba) SI JASON AY SI JUAN TAMAD. WAG TULARAN.

  15. i dont think katamaran ung pinakita ni melai and jason kung iintidihin ung reason nila ay wala din masama sa reason nila kung bakit ayaw nila makijoin sa task na un coz they value friendship more than anything and thats matters most…

  16. this is unfair coz kung manood kayo ng LS sobrang natural sila melissa and jason! Just listen to melissa’s sense of humor, ang galing ng comedy niya!!!!

  17. nagpaka22o lang naman ung dalawa ahh …

    maz pinahalagahan lng nila ung fwendship kesa sa pera !!

    txaka ang tgal n npalabaz yan ahh ..late k nman s balita ..

    cOnGrAtZ nlang kay melai kasi pasok n cya s BIG 4

  18. to find a kilig luvteam in pbb is great… ang tanong, is that the bases to declare them winners?.. anong silbi ng task nila? much as i like melai & jason, the others had done a good job with their tasks. lets face it, melai & jason are both tamad..nakahiga lang sila at nagtsismisan…i’m sure may career na sila when they get out.

    ..as far as i’m concerned, huwag ng pahirapan ang iba, tapusin nyo na ang PBB coz obviously, may nakapili na sila na winner.

  19. I agree before I really like this love team but after the resbak I loss my respect for them..super tamad and walang pakialam sa mga kasama.they consider the feeling of their ex housemate but what about the feeling of their housemate.mga pasaway di sumusunod kay BIG Brother..

  20. aba teka bkit Mabuti ka bang tao?puro kagandahang asal ka ba!!!magsalamin ka muna bago ka magsulat!!!linisin mo mo ang kalat mo bago mo punahin ang iba!!!

  21. late ka naman sa balita.pasok na nga si melai sa b4… choice nila un may paninindigan pa rin sila…melason astig!

  22. hoy! ngpakatotoo lng cla …pra skin tama yung gnawa nila kci nde mhalaga ang pera ms mahalaga pra sa knila ang samahan nila noh!!! shonga!!!!!

    • how about ang samahan nilang housemate, kung talagang mahalaga sa kanila ang pagkakaibigan, bakit hindi pinagbigyan ni melissa si tibo na manalo at mapasama sa big 4 or big 5 na ngayon. huwag magagalit ang melason, gusto ko sila noon pero ngayon, makikita mo wl silang paninindigan at sk hello, isa sa dahilan ky sila sumali diyan ay dahil sa pera

Leave a Reply

Your email address will not be published.