Larawan sa Canvas: Melai at Jason: Ang Bagong Komedya ng 2010

Isalarawan natin sa canvas ang dalawang pinagsaklob ng kasikatan at ng katatawanan, ang dalawang nag-iibigan sa loob ng Bahay ni Kuya, ayon sa milyun-milyong kababayan nating tumangkilik sa Pinoy Big Brother Double UP. Sila nga ang pokus ng atensiyon sa loob ng Bahay ni Kuya. Pinag-uusapan, iniidolo at pinagtatawanan, nakakainis, nakakaaliw, nakakalibang na reality show sa loob ng Bahay ni Kuya itong sila Jason Francisco at Melai Cantiveros. Isang taga-Mindoro si Jason at si Melai ay taga-Gensan, dalawang pinaghalo ang balat sa tinalupan upang magbigay ng saya, ito na ang mga ilang eksena.

KAPAMILYA ANG TURING SA HOUSEMATE

Binigyan ni Big Brother si Jason ng task para makuha ‘yung traysikel, naging katulong siya sa bahay ni kuya para pagsilbihan ang mga housemate niya, nakayanan at natupad nga niya ‘yung task.

Nagkaroon uli ng challenge, ang price ay house and lot . Si Jason at si Johan Santos ang magko-compete sa challenge. Ang task – ikinulong sila sa ‘white room’ kung saan lahat ng bagay ay puti, pati ang kanilang damit. Binigyan lang sila ng pagkain na puti rin ang kulay. Kung sino ang unang pumindot ng buzzer, siya ‘yung out sa challenge.

Kaya naman ni Jason ‘yung challenge pero siya ‘yung unang sumuko dahil sa tingin niya, mas kailangan ni Johan ang house and lot. Wow, huh!

Itong si Jason kahit laking kalsada or tambay, ayon sa ating nakakaututang-dila, may pusong kaibigan at tila istilong walang iwanan ‘pag naka-housemate na niya. Wow naman, huh! Kaya naman nabiyayaan ng winner, naks!

JASON, NAGSELOS SA DREAMBOY NI MELAI NA SI JERICHO ROSALES

Si Melai naman, ang dream boy niya ay si JericHo Rosales. Binigyan siya ni Big Brother ng task para maka-date niya si Jericho. Kailangan niyang kumilos ng mahinhin, ’yun bang dalagang Pilipina. Kasi nga, wala siyang pakialam at magaslaw kumilos. Nagawa nga niya ‘yung task kaya naka-date niya si Jericho.

Nag-make-over siya, ang ganda ni Melai. Super-kilig siya nang dumating si Jericho. Selos naman si Jason kay Jericho, kasi ba naman sa umpisa pa lamang, crush na ni Jason si Melai, lagi syang nakatitig dito.

Noong una, lagi niyang inaaway at inaasar si Melai pero ang totoo, gusto niya si Melai. Pero diskarte niya iyon para mapansin siya ng dalaga at nauwi sa ligawan, na sabi nga ng manonood ay nakatutuwang-nakakikilig na nakaa-abnoy.

IPINANGANAK NA MULI ANG MAKABAGONG KOMEDYA!

May kiliti sa buong katawan ang nangyari sa loveteam ng dalawang housemate ni Big bro. Inabangan at pinanood kahit na nakapupuyat ang ligawan ng dalawa, wala silang alam o nalimutan nila na napapanood sila sa national TV ang bawat kilos at galaw.

Nag-aabang ang mga manonood kung ano ang bago sa kanilang dalawa. Umiikot lang ang buhay nila sa loob ng Bahay ni Kuya. ‘Di nila inaasahan, ‘meron nga pala sa labas at doon ay hinihintay na sila ng kanilang mga fans. Nagulat sila at hindi nila alam na masyado na pala silang sikat. Ipinanganak na nga ang mga bagong bituin ng komedya.

Maestro Orobia: Ano ang ginagawa mo sa inyo bilang tunay na ikaw?

Jason: Ayun… masaya, tahimik kasama ang mga barkada sa amin.

Maestro Orobia: Papano ka napunta ng Pinoy Big Brother?

Jason: Ayun… kasama ko’ng mga tropa ko, subok-subok lang, tapos ayun, nakapasok.

Maestro Orobia: May balak ka bang mag-artista?

Jason: Next week po start na kaming mag-artista. Wa-ha-ha!

Maestro Orobia: Ikaw, Melai… ano masasabi mo, sikat ka na?

Melai: ‘Di po ako makapaniwalang sikat na ako. Ha-ha-ha! (Bisaya version)

Maestro Orobia: Ano ang plano mo sa pag-aartista?

Melai: Wala pa akong plano next week. Ha-ha-ha! (Sabay paikut- ikot ang katawan pati ang puwit patuwad-tuwad, habang nagsasalita.)

Maestro Orobia: Ano’ng paborito mong pagkain sa umaga?

Melai: ‘Yung ano… bangus, kanin saka ‘yung kamatis po.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

4 thoughts on “Larawan sa Canvas: Melai at Jason: Ang Bagong Komedya ng 2010

  1. Nabasa nyo na ba ang pinakabagong balita ngayon naPsychiatric record ni Noynoy galing sa Ateneo? Hanapin nyo sa internet basta i type nyo lang sa search ang “Noynoy sira ulo” OR “Noynoy psychiatric record” or “Noynoy abnoy” tapos mamili nalang kayo ng websites.

    Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may topak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

  2. bagay silang dalawa naka2tawa at naka2kilig cla jaison and melai grabe lagi kung sinusu baybayan ang meilason im suport talaga

Leave a Reply

Your email address will not be published.