Melai, ‘di pa rin makapaniwala na siya ang pinili ng taumbayan!

NAGSALITA NA ANG taumbayan na ang Inday Kengkay ng GenSan na si Melissa Cantiveros ang siyang dapat maging Big Winner sa nakaraang Pinoy Big Brother Double Up’s ‘Big Date on the Big Night’ which was held at the Ninoy Aquino Stadium.

Parang isang malaking sabong noong Big Night – may kanya-kanyang manok ang mga manonood. At pati sa baluwarte ng lima – Cagayan de Oro, Mindoro, Cebu, General Santos at Quezon City – ay hindi magkamayaw ang kanilang mga supporters.

Melai (as she is fondly called) was the only rose among the thorns. At sa bandang huli ay nanaig ang women power dahil si Melai ang hinirang na Big Winner. She garnered 1,226,695 text votes (32.08%), followed by Paul Jake Castillo (1,044,295 or 27.31%), Jason Francisco (954,961 or 24.97%), Johan Santos (303,751 or 7.94%) and Tibo Jumalon (294,161 or 7.69%). She took home P1 million cash prize, P2.5 million worth of house and lot, a water refilling station franchise and a 40-inch LCD TV screen, among other prizes. Her chosen charity group also received P1 million.

“I love you kaayo (so much)! Hindi ko ine-expect ito. Thank you very much sa parents ko. I love you Lord! I love you Big Brother! Jason, thank you,” Melai said amidst the roaring cheers of her fans.

I had no doubt that Melai will emerge as the Big Winner. She captured the audiences’ hearts with her unique sense of humor. She is the life of the party inside Kuya’s house. She is gregarious, hilarious and outrageous. She is a natural – what you see is what you get. ‘Ika nga, wala siyang masamang tinapay. Kaya naman mahal siya ng kanyang kapwa housemates lalung-lalo na si Jason.

Sa kanyang 19 na linggong pamamalagi sa Bahay ni Kuya ay nakita natin ang iba’t ibang side ni Melai – mula sa pagiging kengkay, mabuting anak at kaibigan, kung paano siya kiligin sa date nila ni Jericho Rosales hanggang sa nakatutuwa at nakababaliw nilang love story ni Jason. Kaya naman they have earned the monicker, Melason.

A night before the edition’s finale ay binisita ko ang Big Five sa Bahay ni Kuya. I asked Melai kung ano ang kanyang sasabihin sa sarili kapag inilabas ko ang aking mahiwagang salamin. Without blinking an eye Melai said, “Melissa, ang ganda mo!”

At hanggang sa The Buzz ay hindi pa rin makapaniwala si Melai na siya ang Big Winner. “Thank you, Lord!” She said. Nagpapasalamat din daw siya sa kanyang mga supporters dahil kung wala sila ay hindi siya ang mananalo sa PBB Double Up.

After PBB, where does Melai go? Will she also penetrate the fascinating world of showbiz? Will she have a happy ending with Jason? I’m sure ang kanilang anak na si Dengue ang unang-unang matutuwa kapag nagkatotoo ito.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

17 thoughts on “Melai, ‘di pa rin makapaniwala na siya ang pinili ng taumbayan!

  1. Napananood ko ang interview niya sa late night na talk show ni mismong Boy Abunda. Tinanong siya tungkol sa pre marital sex. Ewan kung napanood niyo yun. Turned off lang ako.
    Hindi na siya virgin, nagpagalaw na kay Roy (ex BF niya) na-extend naman daw ang relationship nila for one year. Do you think she’s an ideal winner? Kung gusto niyo mapanood request kayo sa ABS CBN. Sana lang hindi na na-edit ang part na iyon.

  2. Turn off! Nagpa-TSUK TSAK na kay pareng Roy! Not an ideal PBB winner. Not a good example.

    What a shame….teacher pa man din.

  3. M n J DOES NOT HAVE PROFESSIONAL COACH, COORDINATOR, OR MANAGER, THATS WHY. WHAT TO EXPECT??, THE TWO JUST TOO RAW TO THE WORLD OF SHOW BUSINESS. THEY HAVE TO INVEST TO AVAIL GOOD TEACHER/ADVISER OR MENTOR.

  4. Wow,.. Yan ang tunay na fans, very, real good motivational advices kina Melason, hindi yong kahit nakikita na mali, tilian ng tilian pa rin. Ayusin nga ang pagsagot at ikinikilos during interview. Alisin na ang PO at OPO pag ang kausap below 50 years old. Pagpalain ka sana ng poong maykapal. Mabasa sana ng dalawa to.

  5. For Milai n Jason; Payong kapatid lang. Mag aral kayo ng Personality Development, Acting, Voice and Dancing marathon lesson. Alisin ang bad attitude as in voicing and physical mannerism. Maging normal during interview, huwag malikot at umiikot ang mga mata, pinapansin yong mga viewer sa studio at ayusin ang pagsagot. Act like a real gentleman and a Lady like. Sa ikabubuti ng carrer nyo to. Dont haste, huag masyado nagmamadali, take a pace at a time, at ease. Try Yoga to relax. Pleaser Dont misunderstod this messages. (Problema sa mga road and talent managers nyo, isinasabak kayo kahit saan, kahit anong oras, kahit halos walang tulog, hindi handa sa interview, etc…okey strike while the iron is hot, pero isa ayos naman, baka ma kaapekto ng malaki sa career nyo ang mga unplanned scenario, And get professional Talent Road Manager.

  6. melai you are the best..tito boy thank you for your nice bottomline interview with mel;ai..we love her more….im so proud to be a fan…she just proved the bottomline why she won the eharts of millions and hailed her as the big winner!!!
    mabuhay po kayo tito boy for bringing out the best in melai!

  7. the best melason!!!!!!! more shows for melason..at sana ipalabas dito sa north america ang mga guestings ng melason..tulad ng sa tv patrol sa snn sa wowowee..di pinakita…akoy nabubuang na sa araw araw na di ko sila nakikita..hehe..more power and goodluck melason!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.