Mel Tiangco & Joey de Leon plus Direk Louie Ignacio sa Australia

NAG-ENJOY NANG HUSTO sa kani-lang Australian trip ang magaling na host/ comedian na si Joey de Leon at award-winning host/ newscaster na si Mel Tiangco kasama ang buong staff ng Mel and Joey headed by award-winning director Louie Ignacio, Mr. Buboy Favor, Ms. Lui Cadag, Ms.Cecile Rupita de Guzman at Erika de Leon.

Sinuyod ng buong grupo ang ganda ng Sidney at Melbourne para mag-taping ng Mel & Joey, at para na rin pasyalan ang magagandang lugar at tourist spot ng Sidney at Melbourne. Ilan sa binisita ng buong grupo ng Mel & Joey ay ang Opera House, Luna Park, Cahill Expressway Harbour, Bhajune, Night Noddles Market, ANZ Stadium, Australian Fleet Sales, Bondi Pavillon, at ilan sa mga tanyag na restaurants, beaches at malls sa Sidney at Melbourne, Australia.

Dito rin nagkaraoon ng pagkakataon sina Mel at Joey na makausap ang ating kababayang Pinoy na roon na naninirahan at mga Pinoy na naging matagumpay sa kani-kaniyang propesyon sa Australia. Dito rin kinunan ang isang episode ng Mel & Joey na mapapanood sa GMA-7.

Kaya naman, kumbinasyon ng trabaho at bakasyon ang naging trip nina Mel, Joey, Direk Louie Ignacio at ng mga staff ng Mel & Joey sa Sidney at Melbourne, Australia.

By John Fontanilla

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.