Mekaniko, todas sa sumabog na aircon ng bus

LEGAZPI CITY – TULUYANG binawian ng buhay ang mekanikong nasabugan habang inaayos ang aircon ng isang bus sa Legaspi City, lalawigan ng Albay.

Batay sa pahayag ni SPO4 Jaime Glenn Llasos ng Daraga PNP, kinumpirma nito na alas-12 ng tanghali nang pumanaw ang biktimang si Elvin Azupardo y Arabe ng Brgy. Cullat, Daraga, Albay, dahil sa matin-ding tama sa katawan nito, kung saan halos maputol ang mga kamay at paa nito sa sobrang lakas ng pagsabog.

Samantala, patuloy naman ngayong ginagamot ang helper nito na si Saturnino Magayanes y Lovino matapos na magtamo ng ilang sugat sa kanyang katawan.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan kaugnay sa naturang insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.