Mekaniko, Todas sa Speed Boat

PATAY ANG isang mekaniko ng barko nang sumalpok sa dalampasigan ang sinasakyan nitong speed boat sanhi ng malakas na alon kamakalawa ng umaga sa karagatan sa Navotas City.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University Hospital sa Caloocan City, sanhi ng matinding pinsala sa katawan ang biktimang si Joselito Lista 33, may asawa, ng K2top Marine Service Inc, ng 109 CLS Building, Dagat Dagatan, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa karagatan ng nasabing lungsod.

Ayon sa saksing sina Fraylan Rabe at Rolando Brinez, sakay ng speedboat ang biktima upang pumalaot ngunit sa lakas ng alon at hampas ng tubig, nawalan ng kontrol ang bangka hanggang sa bumangga sa dalampasigan at nagresulta ng matinding pagkasugat sa tiyan at katawan ni Lista.

Agad naman isinugod sa naturang pagamutan ang biktima subalit ilang oras ang makalipas ay nalagutan rin ito ng hininga.

Inaalam na rin ng Maritime police ang tunay na dahilan ng nabanggit na insidente.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.