Mekaniko, Kritikal sa Makulit na Tiyuhin na Senglot

KRITIKAL ANG isang mekaniko matapos tusukin ng tiyuhin na senglot makaraang awatin ng una ang mga kaanak na kinulit ng huli sa Malabon City kahapon ng umaga.

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tusok ng icepick sa kaliwang kili-kili si John Amores, 27 ng A. Bonifacio St., Tugatog ng lungsod.

Nadakip naman si Ricardo Jesta, 53, at kalugar ng biktima.

Sa ulat, alas-9 ng umaga, may ginagawa ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang dumating ang senglot na tiyuhin at nagungulit.

Nagalit ang ibang kaanak ng biktima na naging dahilan upang awatin ni Amores sa pa-ngungulit si Jesta.

Nagalit ang suspek sabay labas ng dalang icepick at tinusok ang pamangkin sabay takas ng una.

Dinala ang biktima sa TMC habang nadakip ang suspek sa isinagawang follow-up operation.

(MARY H. SAPICO)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.