Megaworld, idinepensa si Corona sa ‘discount issue’

IPINALIWANAG NG mismong developer ng kontrobersiyal na The Bellagio penthouse na pag-aari ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona ang malaking diskuwento na natanggap ng punong ma-histrado para sa naturang real estate property.

Sa pagharap nito sa witness stand, nilinaw ni Megaworld Corp. Senior Vice President for Marketing and Sales Noli Hernandez na maraming kadahilanan kung bakit sa mas mababang presyo nakuha ng buyer ang 303-square-meter penthouse unit.

Ayon kay Hernandez, ang orihinal na presyo ng property ay nagkakahalaga ng P24 milyon, subalit dahil sa nagkaroon ito ng sira dahil sa bagyo, nagdesisyon umano silang ibaba ito sa P19.6 milyon.

Mula umano sa reduced price, nabigyan din nila ng discount ang kanilang buyer.

Kamakailan, una nang inihayag ng testigong si Giovanni Ng, ang finance director ng Megaworld Corporation na normal lamang ang pagbibigay ng malaking discount sa kanilang mga kliyente.

Sa katunayan, kalimitan umano silang nagbibigay ng 15 percent off sa mga buyers na bibili ng cash sa kanila o short-term installment.

Inamin din ni Hernandez  na dahil sa “bearish outlook” ng ekonomiya noong taong 2008, nakakuha ng mala-king diskuwento ang pamilya Corona.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.