Megan Young, nanghingi ng $5 sa mga Kano

Megan-YoungNAG-GUEST SI Megan Young sa US talk show na Good Morning America para manawagan ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Pinas.

Nakasama ng Miss World 2013 ang mga ABC anchor na sina Lara Spencer at Josh Elliot. Doon lang nila nalaman na ipinanganak pala si Megan Young sa Virginia at pagdating niya ng 10 years old saka sila nanirahan sa ‘Pinas.

Ikinuwento ni Megan ang matinding delubyong dinanas ng kanyang mga kababayan kaya nanawagan siya sa mga American audience na mag-donate sa Philippine Red Cross.

Pakiusap niya sa mga Puti: “As little as $5 could provide a whole family with water and rice, supply for a period of time.”
Sinamahan si Megan sa studio ni Philippine Consul General of New York na si Mario Lopez de Leon, Jr.

Last week, nagdesisyon na ang Miss World charity organization na i-donate ang lahat ng malilikom nila para sa Pilipinas.

Personal na dadalhin ni Megan on Nov. 27, ang lahat ng kanyang natanggap na donations mula sa iba’t ibang dinaluhang event and fund-raisers.

Samantalang hindi naitago ni Megan ang dinanas din niyang takot nang mahulog sa dinaluhang bansa habang binibisita ang mga bata. Mabuti na lang daw kahit paano ay nagawa niyang maalalayan ang sarili at hindi gaanong nasaktan.

Sabik na sabik na raw siyang makabalik ng ‘Pinas para makapiling ang mga kababayan lalo na ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Megan-Young

HINDI NA ikinaila ni Cristine Reyes na ginawa niya ang lahat ng mga dapat gawin sa eksena nila ni Gabby Concepcion sa bathtub. Wala na raw siyang inhibition dahil si Gabo naman daw ang kaeksena niya at malaki ang tiwala niya sa kanilang director na hindi lalabas na bastos ang matinding love scene nila ng actor.

Grabe as in grabe talaga ang first love scene na kinunan sa kanila ni Gabo dahil kailangang ipakita nila na kapwa sila sabik sa sex.

May nagsabi pa na halos makita na raw ang nipple ni Cristine habang nagroromansahan sila ni Gabo sa bathtub.

Hindi kami magtataka kung dumugin ang pelikula nila ni Gabo dahil malakas ang dating ng actress sa mga barako lalo`t siyam na love scene ang ginawa nila ni Gabo sa kanilang pelikula.

May naiinggit kay Gabo dahil siyam na beses silang nagromansahan ni Cristine at mayroon din naman nainggit kay Cristine na matagal nang nag-iilusyon din kay Gabo.

Aba! Kahit na may edad na si Gabo ay malakas pa rin daw ang dating  nito at hindi magpapatalo sa mga hunk actor pagdating sa pagandahan din lang ng katawan.

 

HINDI NAIWASAN na tanungin ng press si Mark Anthony Fernandez kung may balak din ba siyang pasukin ang politics tulad ng kanyang ina na si Alma Moreno.

Mariing sagot ni Mark ay wala raw siyang balak pasukin ang magulong daigdig ng pulitika. Mas gusto raw niyang maging philanthropist.

“Wala sa politics ang interest ko. Ano lang, either Samaritan ako or philanthropist. ‘Yun lang muna,” say ni Mark.

Kasama si Mark sa serye ng balik-tambalan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras sa role na good guy na nag-o-observe sa pagmamahalan nina Mark at Jen.

Wala rin daw problema kay Mark na lumabas sa mga supporting role at kahit kontrabida basta maganda ang script ay kanyang tatanggapin.

Isa lang daw sa dami ng mga natutuhan niya sa namayapang ama na si Rudy Fernandez na walang big or small role basta magagampanan mo nang tama ang project na ipagkakatiwala sa iyo.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Megan Young, nanghingi ng $5 sa mga Kano

  1. Sumikat lang talaga si Cristine dahil sa paghuhubad. Walang totoong talent sa pag-arte di tulad ng ate niya na kahit hubadera, palaban sa aktingan. Hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.