Megan Young, nailang nang rumampang naka-bikini

TULAD NG aking naisulat na, pagkakaguluhan ng mga photographer si Megan Young kapag rumampa itong naka-two piece bikini.

Masayang-masaya si Megan dahil isa na siyang official candidate (# 20) ng Miss World Philippines 2013 na ginanap ang launching sa Solaire Resort and Casino.

Umani si Megan nang masigabong palakpalan nang rumampa suot ang official two piece swimwear ng contest.

Sabi ng actress, kinabahan daw siya nang rumampang naka-two piece dahil first time daw niyang ginawa ‘yun sa tanang buhay. Nilakasan na lang daw niya ang loob para ‘di madapa.

“Kinabahan talaga ako. Kasi feeling ko madadapa ako.Hahahaha!” natatawang say pa niya. “Never naman ninyo nakitang nagsuot ng ganitong swimwear, ‘di ba? It’s always one piece at minsan bikini top lang at sarong tulad ng mga suot ko sa Misibis Bay. I gathered enough confidence para magawa ko ito. Okey naman pala, especially if you know that people will support you in this competition.”

Marami raw siyang isinakripisyong mga trabaho sa showbiz para makasali sa Miss World Philippines. Baka raw kung mag-iinarte pa siya ay hindi na matupad ang hangarin na makasali pa sa prestigious beauty contest.

“I’m already 23 years old. Kung maghihintay pa ako next year baka too late na. Matagal ko nang pangarap sumali sa beauty pageant and I feel that this is the right time,” nakangiting say pa ni Megan.

Sa August 18, malalaman kung matutupad ang pangarap ni Megan na maging Miss World na gaganapin sa nasabing hotel.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

4 thoughts on “Megan Young, nailang nang rumampang naka-bikini

  1. manalo naman kaya ang babaeng ito… mahina naman kasi ang appeal nito hahahaha! kung malakas ang appeal ng gaga matagal ng sumikat

Leave a Reply

Your email address will not be published.