Megan Young, muntik nang masunog! – Alex Brosas

IYAK NANG IYAK si Megan Young matapos na muntik siyang masunog sa isang eksena sa shooting ng Shake, Rattle & Roll noong Nov. 10.

Muntik lamunin ng apoy si Megan sa isang eksena sa movie. Sa scene kasi, naka-harness siya habang naka-gown at nakabitin sa loob ng simbahan sa Boso-Boso Church sa Antipolo. May apoy sa ilalim niya dahil ang karakter niya ay isang avenging ghost. Sa istorya kasi, isinumpa niya ang character ni Carlo Gueverra dahil hindi siya sinipot sa kanilang church wedding.

Ang nangyari, lumaki nang husto ang apoy at muntik abutin ang gown ni Megan. Sobrang nagulat ang lahat ng mga staff and crew maging ang mga artista na involved sa scene tulad nina Ruffa Gutierrez at Zoren Legaspi.

Mabuti na lang, may isang kasama sa movie ang may foresight. Naisip nitong baka may mangyaring aksidente sa eksenang kukunan kaya nagpahanda na ito ng timba ng tubig. Sa kanyang ginawa, mabilis na napigilan ang pagkalat ng apoy at hindi nasunog si Megan. Ang suot nga na white gown ni Megan ay naging itim matapos na humupa ang apoy. At pagkatapos mawala ang apoy, noon lang daw na-realize ng lahat ng involved sa production na wala palang fire extinguisher na puwedeng gamitin nang mga oras na iyon.

Ang una raw na ginawa ng staff, binuhusan ng tubig ang apoy at ang iba naman, pilit na itinataas ang harness ni Megan para hindi siya abutin ng apoy.

Ang tsika sa amin, puro foam na nilagyan ng rugby ang ginamit para magliyab ang apoy sa eksena.

After the scene, iyak nang iyak si Megan. First time kasing nangyari sa kanya ang ganoon na namiligro ang kanyang buhay.

BLIND ITEM: MUKHANG gustong pormahan ng isang sikat na personalidad ang isang aktres na kahihiwalay lang sa kanyang boyfriend na aktor.

Nag-guest kasi sa sitcom ng sikat na personalidad ang aktres. Okay naman ang kinalabasan ng guesting nito. Bago magtapos ang taping, tinanong daw ng sikat na personality kung ano ang cellphone number ng actress. Pero, dinedma lang daw ito ng aktres. Hindi kasi niya type ang sikat na personalidad dahil unang-una, married na ito.

Ang kaso, nakagawa ng paraan ang popular personality na makuha ang cell number ng aktres. Ayun, text na raw ito nang text at palaging nangungumusta. Minsan naman daw, tinatanong ang aktres kung ano ang gusto niya at bibilhin daw niya para rito.

Sinabihan daw ang aktres ng kanyang ever protective mom na huwag na huwag niyang sasagutin ang text messages ng sikat na personalidad. Once kasing ginawa niya ito, hindi na siya titigilan nito sa kate-text.

At para matapos na nga raw ang kahibangan ng sikat na personality, minabuti na lamang daw ng aktres na magpalit na lang ng SIM card. Effective naman ang kanyang strategy dahil hindi na siya ma-text ngayon ng popular figure na ito na may importanteng laban sa kanyang buhay ilang araw mula ngayon.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

20 thoughts on “Megan Young, muntik nang masunog! – Alex Brosas

  1. ang tatanga nyo naman, maraming pera si manny, xempre gwapong gwapo yan, paganahin nyo nga mga utak nyong mala dino, sa tingin mo sa halagang 10-20 million pekpek lang ang pupuhunan mo di ba yan bubukas…pakamatay na kyo mga tanga…kung c angel man yan, tanga nya kung aq sa kanya hihingi aq ng 100k pag tumawad c manny hanggang 50k lang…angel kung ikaw man nasabulag na item, go na girl…

    • TANGA. . .SI ANGEL ANG HUMIHINGI NANG DONATION PARA SA KANYANG SHOPANDSHARE DRIVE PARA SA MGA BIKTIMA NANG BAHA. IKAW, MALIBAN SA WALA KA NANG MAGAWA, TANGA TANGA MO PA. HINDI KA MARUNONG MAGBASA. BOBA. . .UTAK KUTO. . .

  2. hmm…
    si ANGEL ba yan tinutukoy?

    at anong palabas naman ni Manny ang pinag-guest-an ng actress daw recently…
    hay kaloka …

    si Manny, daig pa ang Mr Pogi ah …
    aysos! buti nalang hindi ako si JENKEE … kundi …
    may gugulong gulong na etits nalang sa daan ng Gen San

  3. kapal tlagah ng manny pacquiao nah yan
    kala m nmn sobrang gwapo
    hellow
    may salamin b xa??
    sa totoo lng dhil sah mga pinag gagawa nya d nmn maiwasan n magwish n matalo xa
    pero xempre dhil dala nya ang bandila ng pilipinas
    khit n ganun ang pinaggagawa nya
    sana manalo xa

      • hindi katulad ni ara at ni krista si rhian, si ara at krista nagtitinda ng karneng bulok kaya ibahin nyo si rhian. kahit paano may talent.

    • lumang issue na yan, yung tine txt ni manny ay si valerie dahil nga nagsama sila ni pakcute sa kumander aswang he he he na tine text ni Jinkee na pinasinungalingan nya.

      kung sino yung nag guest sa kanya di yun na e di ba si rhian.

  4. hahahhahaha gogo jinkee putolin mo ang tete ne manny para dnayan kumarinking

    bakit binalik pa sa us girls si cheska g sana n c megan nlng for good walng kasi dating cheska mghost pa sosyal na ewan……

Leave a Reply

Your email address will not be published.