Megan Young, hindi Pinay beauty?!

MORE AND more chikkahan na naman tayo to the maximum authority of chikka! Ang aking naging schoolmate na si Megan Young at siyempre siya ay nagsimula sa GMA sa reality search na Starstruck, hindi masyadong nag-click ang career niya sa GMA, kaya naman tumambling siya papuntang ABS-CBN.

Pero napansin ko lang noon, masasabi ko lalo na pagdating sa pag-aaral at pag-aartista ay pinagsabay niya. At ang naloka naman ako noon, akala ko keme lang na gusto niyang sumali sa pageant, at may times na hindi talaga nagiging success. At nu’ng nakaraan lamang ay mga ma bali-balitang determined siya.

Pero nu’ng tinanghal na ito nu’ng Last Aug. 18 at naiuwi niya ang korona na Miss World Philippines, marami ang may kanya-kanyang comments laban sa kanya. Kasi nga naman, kung iisipin mo nga raw, paano mo masasabi na isa siyang Pinay lalo na pagdating sa looks? Pero may mga nagsasabi naman na nawalan ng project sa GMA, lumipat sa ABS-CBN, hindi na masyadong nag-a-appear sa TV, kaya mas gusto na lang mag-around the world sa pagiging Miss World niya.

Sabi nga nila, ‘pag may tiyaga, may nilaga. Good luck na lang sa kanya kapag nag-Miss World na ay kung mapansin pa ang beauty niya na mukha bang isang Pinay.

Kaya lang, parang mas napansin ko lang ha hindi masyadong maganda ang pageant ngayon, dahil parang walang masyadong budget. At take note, hindi masyadong usap-usapan.

 

KC Concepcion, ‘di kayang pantayan ang nagawa ni Sharon Cuneta

 

AT SIYEMPRE dahil in na in tayo sa mga latest isyu na itong si KC Concepcion ay talaga nga namang ibang-iba ngayon sa kanyang role na kontrabida. Ang chikka nga niya kasi, first time niyang ginawa ito at lagi rin kasing pa-wholesome ang kanyang role.

Sa bagay nga naman, mas matsa-challenge nga naman ang isang tao lalo na kapag kontrabida ang kanyang role. Nakita ko naman sa kanya ay ginagawa niya ang best niya. At siyempre kahit papaano, lalo na ngayong nag-iisa na lang siya sa network na ‘yun dahil ang mother niya ay nasa kabilang network, wala man lang siyang magpagsabihan or what. May mga chikka pa nga na mahirap din pala kapag magkaibang network.

At ang nakakalurki, may mga comment ang mga kaparazzi natin na hindi pa rin talaga kayang pantayan ni KC ang isang Megastar, dahil sa edad ngayon ni KC kung ikukumpara mo sa edad noon ni Sharon, ay in na in itong si Sharon dahil boom na boom ang kasikatan niya noon. At hanggang ngayon na nag-iisa nga lang daw ang Megastar.

Marami rin ang mga mga katanungan na malaki rin ang pinagkaiba nila dahil itong si Megastar ay pa-wholesome pa rin ang image hanggang ngayon na hindi kagaya ni KC na kahit papaano may pagkadaring. Pero siyempre, ‘noh, magkaiba kaya sila ng kinalakihan na kung iisipin nga naman natin ay lumaki itong si KC sa abroad, ‘di ba?

Pero anyways, ibahin naman natin dahil kumusta naman kaya ang career ni Sharon Cuneta sa Kapatid Network? Wala kasing masyadong ingay ngayon unlike nu’ng nasa Dos pa siya. Pero ‘yun nga lang, siya naman daw ang isa sa mga may pinakamalaking TF sa Kapatid Network. Bongacious, ‘di ba?

 

SIYEMPRE, AKO pa rin si LADY CAMILLE ang chismosang kapitbahay n’yo na na walang sawang chumikka. Kaya naman kung nabitin kayo, pakinggan n’yo pa rin ako sa ganap na 11:30-12:00 nn sa DWSS 1494khz, at every Saturday naman sa DZRH, 12:00-1:00 pm.

Lay D’ Cam
By Camille Espeña

 

loading...

7 thoughts on “Megan Young, hindi Pinay beauty?!

  1. Halatang may inggit ang writer na to kay Meagan Young. Malamang insecure ka sa kagandahan nya. At ano naman ang Pinay beauty para sayo yung panget na muka na katulad mo at maiingitin ang unggali? Oo half-Filipino half-American si Megan pero di sya magiging ganyan kaganda sya kung di Pinaay ang Nanay nya. Pinay na Pinay sya sa papeles pa lang at citizen sya ng bansa natin. Kaya wag nang gawan ng issue. kasalanan ba nya na maganda sya? Na Half sya? Di mo ba alam na diverse ang beauty ng mga Pinoy may mestizo na maopuputi at meron din mestizong tanned ang balat. Meron din namang normal na black or brown ang balat. Eh ikaw writer ano ba talaga ang lahi mo? Kakahiya naman sa Filipina beauty mo!

  2. Ay sus ginoo ikaw naman day.Si kc late pumasok sa showbz.habang ang mama niya 15 o 16 nagkaroon na nang mv.Anong walang pagsabihan eh pwedi naman nya tawagan ermat niyat magtanong  kaloka.

  3. dapat siya ang mananalo noon sa Starstruck. leading talaga siya noon dahil maganda siya. kaso nung malapit na ang finals, nag-inarte siya. bigla niya daw namiss family niya sa province kaya yung expected cooperation niya e nabawasan nang malaki na nakaapekto sa bid niya for the winner slot. kaya ayun, natalo siya. at syempre, yung panalo ang priority ng GMA na pasikatin at na-turn off nga sa kanya. kaya siya lumipat ng ABS-CBN at siguro mula doon, nagtino na siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.