Megan Young, baon ang matinding suporta ng kababayan sa laban sa Miss World

BUKAS (MARTES, September 3) na ang alis ni Megan Youn patungong Jakarta, Indonesia para i-represent ang Pilipinas sa gaganaping Miss World Beauty Pageant 2013 doon. Todo ang suporta sa kanya ng mga nasa likod ng Miss World-Philippines pageant kaya naluha ang actress-turned-beauty queen sa send-off party para sa kanya.

She’s so overwhelmed daw by all the support na natatanggap niya para sa kanyang pagku-compete sa Miss World. Nakadaragdag daw ito ng confidence niya.

Aalis si Megan na baon ang matinding inspirasyon na dulot ng solid na suporta ng marami sa kanya. Determinado raw ang actress-beauty queen to do her best bilang kinatawan ng bansa sa Miss World.

Balitang number 2 si Megan sa nagaganap na botohan sa Internet kung saan ang mananalo rito ay automatic na pasok sa top 15 ng isa sa pinaka-prestigious international beauty pageant. Dahil dito, inaasahang mas maraming Pinoy pa ang magiging masigasig na sumuporta sa pagboto sa kanya.

At bagaman inalis na ang swimsuit competition, gusto pa rin diumano ng Religious Affairs Minister ng Indonesia na kanselahin ang pageant dahil labag daw ito sa kanilang relihiyon. Pero sa kabila ng nangyayari ngayong protesta sa Indonesia ng mga taong tutol nga na ganapin doon ang Miss World, nanindigan ang organizers ng pageant  na tuloy raw ito.

Si Megan na kaya ang maging kauna-unahang Pilipina na makapag-uuwi ng Miss World crown? Sa kasaysayan ng nabanggit na beauty pageant, tatlo na ang naging first runner-up o first princess nito.

Ang una ay si Evangeline Pascual noong early 70’s. Sumunod ay si Ruffa Gutierrez noong 1993. At ikatlo si Gwendoline Ruais nitong 2012. Samantalang si Miss World-Philippines Queenerich Reman ay nakapasok naman bilang isa sa mga finalists.

Kung may mga umaasa na baka si Megan na ang first Pinay na magiging Miss World, meron din namang hindi kumbinsido na magiging malakas ang laban ng actress-beauty queen.

Masyado raw kasing payat si Megan at hindi pormang pang-international beauty queen umano ang hubog ng kanyang katawan. Hindi rin daw kagandahan ang skin ng dalaga. Dry at magaspang daw.

May ganyan talaga?

Siguro, imbes na hanapan ng kapintasan si Megan, bakit hindi na lang natin siya ipagdasal at suportahan? Afterall, siya nga kasi ang representative ng Pilipinas sa Miss World pageant. So we must give her the chance to prove herself.

In fairness, maganda at matalino si Megan. At magaling din namang mag-project sa stage.

Malay naman natin kung suwertihin na siya ang magustuhan ng judges. Naman!

 

Young actor na produkto ng talent search, ikinahiya ang ‘bukol’ sa production number

 

BLIND ITEM: Natawa kami sa baguhang young actor na produkto ng isang talent competition. Narinig kasi naming ito na nagku-complain habang isinusuot ang pang-ibabang costume niya para sa isang production number. Parang white na pajama ito na sing-nipis na halos ng kurtina.

Nakakaasiwa raw kasi bumabakat. Hindi raw siya kumportable na isuot ito kasi nakakailang daw talagang pansin na pansin ang namumukol niyang private part.

Nakita nga rin naming… parang may malaking shawarma roll na nakaumbok sa pagitan ng mga hita niya.

“Hayaan mo na kung bumabakat kasi susunod na ang production number n’yo. Hindi mo dapat ikinahihiya ‘yan. Dapat proud ka pa!” birong sabi ng taga-wardrobe na kasama niya. Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Megan Young, baon ang matinding suporta ng kababayan sa laban sa Miss World

Leave a Reply

Your email address will not be published.