Megan Young at Tom Rodriguez, ayaw makumpara ang remake nila ng serye sa ibang bersyon

Tom-Rodriguez-Megan-YoungNAGPA-PRESSCON NA ang GMA 7 ng bagong drama series nilang Marimar na pagbibidahan nina Megan Young at Tom Rodriguez.

Parang ibang-iba ito sa nakaraang Marimar, kaya ayaw na nilang pag-usapan ‘yung mga nakaraang Marimar para ibang look naman itong kay Megan.

In fairness kay Megan, bumagay naman sa kanya ang role. Pero sabi niya, ibang Marimar daw ito dahil palaban daw ito at hindi basta-basta nagpapaapi.

Si Tom naman ay nag-enjoy sa role niya bilang si Sergio Santibañez, kaya pinaghandaan niya ito nang husto.

Sabi nga ni Megan, halos sa gym na raw ito natutulog dahil puspusan ang pag-ensayo niya para gumanda ang katawan. Gumanda naman, at sabi naman ni Megan, napaka-attractive daw ng leading man niya.

Pero siyempre, alam naman natin na may kanya-kanya na silang lovelife, pero hindi puwedeng pag-usapan.

Sabi naman ni Megan, tinitiyak naman daw nilang convincing ang kanilang pagganap kaya nakikitang in love sila sa isa’t isa.

Sa August 24 na magsisimula ang Marimar sa GMA Telebabad. Tingnan natin kung kakagatin din ito ng publiko, dahil hindi maiwasang maikukumpara ito sa mga nakaraang Marimar.

Cesar Montano, kapalit ni Robin Padilla sa inatrasang pelikula

Cesar-MontanoANG LATEST na balita namin, itutuloy pa rin daw ng producer ang pelikulang Nilalang na entry dapat ni Robin Padilla sa Metro Manila Film Festival.

Umatras na nga sila dahil sa hindi kaya ni Robin na mag-shoot gawa nang kailangan niyang bantayan si Mariel. Unfortunately, nakunan nga si Mariel, pero parang hindi pa kayang gawin ito ni Robin. Kaya ang latest na narinig namin, si Cesar Montano na raw ang ipalit. Babalik na nga sa bansa si Maria Ozawa na leading lady pa rin sa pelikulang ito.

Tingnan na lang natin kung matutuloy nga ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.