Megan Young at Mikael Daez, friends lang daw pero nagdi-date!

NAISPATAN NAMIN sina Mikael Daez at Megan Young sa event ng Adidas noong nakaraang Sabado at kahit sweet ang dalawa, itinanggi pa rin nilang sila na. Ayon pa kay Megan, “Barkada lang talaga kami. We go out on group dates pero hanggang doon lang.”

Ayon naman kay Mikael, “Yup, we have the same circle of friends. Magkaibigan lang talaga kami.”

Well, ang lahat naman ng relasyon ay nagsisimula sa pagiging kaibigan. Isa lang ang masasabi namin, napakabait nitong si Mikael at very accommodating sa amin. Kaya, we wish them both goodluck!

 

NAGKABATI NA noong Sabado, May 12, ang Superstar na si Nora Aunor at ang batikang kolumnista at TV host na si Cristy Fermin. Nangyari ang hindi inaasahang pagbabati ng dalawa sa dressing room ng Paparazzi Showbiz Exposed, nagkaroon kasi ng pre-taped segment si Ate Guy para sa kanyang kaarawan na ilalabas sa May 19, 2012, kasabay ng kanyang pag-alis papuntang Amerika para magpagamot sa lalamunan.

Kuwento pa ni Nanay Cristy sa amin, “Ah ‘di ba nag-tape siya para sa atin, ah ako ang nakiusap kay Tito Noel Ferrer at sa ating boss na si Sir Anthony Pastorpide, at tsaka kay Tito Perci Intalan at sa ating mga bossing at kay Jana Manalaysay, ang ating EP, na kung maaari dahil hindi pa kami nakakapag-usap ni Guy nang mahaba-haba, at hindi pa nakapagpaliwanagan, ang sabi ko sana magkakaroon muna kami ng pagkakataon na makapag-usap. Kasi, ayoko namang lumabas na magkaharap kami at awkward kami sa isa’t isa. Siya, hindi komportable, ako rin hindi komportable, kasi kulang ng komunikasyon. May naganap eh, kaila-ngang may linisin muna tayong dumi. Pagkatapos ng taping, pumunta siya sa akin, sa dressing room at ang sabi niya, ‘Ate, kumusta ka na?’, alam mo naman, kumbaga parang pulitika ito, president naman ito, Superstar ito, president naman ito kumbaga, ako naman ay isang president lang ng fans club, saka, homeowners, isang napakalaking kaligayahan para sa akin na ang isang superstar ay marunong magpakumbaba, at bumati.”

Dagdag pa ni ‘Nay Cristy, “Hindi ko kailangang marinig ‘yung mga I’m sorry, hindi ko kailangan ang anumang salita na panghihingi ng despensa, ‘yung paglapit pa lang ni Nora Aunor ay kasalu-saludo na.”

O, ayan ha? All’s well that ends well talaga. Yahoo, tiyak na isang masayang balita ito sa lahat ng mga Noranians! Happy kami at muli nang nagkaayos ang nanay-nanayan namin sa showbiz at ang nag-iisang superstar na si Ate Guy.

 

NAKAKATUWANG ISIPIN na kahit pa successful na sa ibang bansa sa larangan ng pagkanta ay minabuti ni DK Valdez na bumalik ng Pilipinas upang ibahagi naman ang kanyang musika sa kapwa Pinoy.

Kuwento pa nang kaibigan nating si Roldan Castro na tumatayo ring manager ni DK, “Ang lakas ng sales ng album niya na entitled ‘DK Valdez… It’s All About Love’ na release ng BWB Records.”

Base sa record, nu’ng Abril 2 to 8 ay nanguna siya sa Astrovision/Astroplus top-sellings album, mapa-OPM at foreign. Kinabog niya ang benta ng album nina Angeline Quinto, David Archuleta,Lea Salonga, Basil Valdez  Christian Bautista, Bamboo atbp.

Nag-number 2 naman siya sa sales nu’ng April 30-May 6 na kung saan album ni Xian Lim na ang nanguna.

Pinupuri ang boses ni DK. Hitsurang anak ni Basil Valdez sa lamig at nakaka-in love na boses. Makabagbag damdamin ang  carrier single niyang “Tatanggapin Pa Ba kita?”.

Kuwento naman ni DK tungkol sa kanyang carrier single, “Ginawa ko ‘yun sa Thailand, madaling-araw. Habang kino-compose ko ay ‘di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Girlfriend ko siya sa ‘Pinas na buma-balik sa akin after na makipag-boyfriend sa iba nu’ng magtrabaho ako sa abroad.”

Pangarap ni DK na mapansin at mapagbigyan din ng mga Pinoy ang kanyang musika.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

One thought on “Megan Young at Mikael Daez, friends lang daw pero nagdi-date!

  1. GANYAN NAMA KAPAG NASA SHOWBIZ EH TANGGIHAN SILA NG TANGGIHAN PERO PAG NAGKABUNTISAN NA AAMIN DIN HAHA! MGA TANGA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.