Megan Young at Lauren Young, nilayasan ng ama

Lauren-Young-Megan-Young Lauren-Young-Megan-YoungINAMIN NG utol ni Miss World Megan Young na si Lauren Young na daddy’s girl siya, kaya napakasakit sa kanya na may iba nang pamilya ang kanilang ama.

Dalawang taon nang wala sa kanilang tahanan ang ama dahil may iba na itong pamilya sa Pampanga. Dahil makaama siya not like her sister Megan at brother na maka-ina, hindi pa rin matanggap at maunawaan ni Lauren kung bakit sila iniwanan ng ama para magkaroon ng iba pamilya.

“Siguro people will know where my disappointment for my dad is coming from. Me and my dad, we’re very close. Kung sina Ate Megan at my brother Victor is close kay mommy, ako close kay daddy. Kaya sobra akong nasaktan when it all  happened. Doon na nagsimula ang galit ko sa daddy namin,” pag-amin ni Lauren.

Sa ngayon, hindi pa alam ni Lauren kung kailan mawawala ang galit niya sa ama, pero naniniwala rin siya na balang-araw, matatanggap at mapapatawad din daw niya ang kanilang ama.

“Sabi nga ni Ate Megan sa akin, huwag galit ang pairalin sa puso ko. He is still our father at minahal niya kami. May dahilan kung bakit nangyayari ang lahat. I try to understand that pero sa ngayon huwag muna. I can say that I love my dad very much. Pero nandito pa (sabay turo sa puso) ang pain and I will try to make it go away para matanggap ko ulit siya,” paliwanag ni Lauren.

This coming Christmas, magiging masaya na rin ang Pasko ni Lauren kahit wala ang kanilang ama dahil makakasama naman niya ang kanyang Ate Megan.

“After she won Miss World, she has been so busy travelling but she make it a point to communicate with us by Skype, Twitter, Facebook and Instagram.

“Like noong huli siyang nandito to visit and give relief goods to the people of Tacloban, Cebu and Palawan, saglit lang kaming nakapag-usap kasi she has to leave kaagad. But she said nga na she will be spending Christmas with us. Magiging normal family kami ulit ngayong Pasko,” say ni Lauren.

Pagkatapos ng serye niya sa GMA 7, hindi pa rin mababakante si Lauren dahil may pelikula silang pagsasamahan ni Richard Gutierrez under GMA Films.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Megan Young at Lauren Young, nilayasan ng ama

Leave a Reply

Your email address will not be published.