Megan and Lauren: Not Too YOUNG For Stardom!

BIHIRA NA BIGYAN ng malaking break bilang bida sa teleserye ang dalawang magkapatid sa magkaibang programa. Sa katunayan nga, isa itong milestone sa showbiz. Madalas kasi na mas nauuna muna ang panganay o ang bunso na magbida o vice versa.

Suwerte kung maituturing sina Megan at Lauren Young ng Kapamilya network. Bida sa upcoming afternoon series na Precious Hearts Romances presents Hiyas si Megan Young bilang leading lady ni Zanjoe Marudo. Si Lauren Young naman ay namamayagpag ngayon sa primetime bilang Via sa TV remake ng Mula sa Puso. Siya ang humalili sa papel na dating ginampanan ni Claudine Barretto. Ang mga baguhang sina JM de Guzman at Enrique Gil naman ang kasama niya rito.

Matagal nang Star Magic talents ang Young sisters. Nag-umpisa si Megan bilang contestant sa second season ng Starstruck. Hindi man pinalad na manalo, nabigyan ito ng ilang projects mostly supporting roles. Pagkaraan ng dalawang taon ay lumipat ito sa ABS-CBN, kung saan nahasa ang kanyang acting and hosting skills. Biggest break ng dalaga ang pagganap bilang Marcela, isa sa main antagonist nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa I Love Betty La Fea. Ilang TV shows at movies na rin ang nilabasan ni Megan. Sa susunod na buwan na ipalalabas ang kauna-unahan nitong teleserye bilang bida sa ‘Hiyas’.

Si Lauren Young ay nag-umpisa bilang teen star sa Abt Ur Luv. Siya nga ang unang naging ka-loveteam ng namayapa nang si AJ Perez. ‘One of those’ lang noon si Lauren. Palagi itong kasali sa ilang programa ng Dos, pero ngayon lang siya nabigyan ng break bilang leading lady. Hindi maikakailang marami ang nagtaas ng kilay ng malamang sa kanya ipinagkatiwala ang papel na unang ginampanan ni Ms. Claudine Barretto. Imbes na maglupasay sa lungkot, mas lalong pinatunayan ni Lauren na keri niya ang show. Ayon pa nga sa ilang manonood, may sariling style si Lauren bilang Via. S’yempre, compliment ‘yun, ‘noh!

The long wait is over for the Young siblings. Ang challenge ngayon ay kung masu-sustain nila ang kasalukuyang estado ng kanilang karera. It’s too early to tell and these ladies are still YOUNG. Best of luck to our pretty sisters!

For comments, questions and suggestions, just email us at pinoyfansclub@gmail.co. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com. Like our PFC Fan Page at http://www.facebook.com/pages/Pinoy-Fans-Club/182968385084112

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

One thought on “Megan and Lauren: Not Too YOUNG For Stardom!

Leave a Reply

Your email address will not be published.