Meg Imperial, wala pang balak mag-asawa

Meg Imperial

Meg Imperial

Wala pa raw sa isip ni Meg Imperial ang pumasok sa isang relasyon. ‘Di raw nito priority ang pagkakaroon ng boyfriend sa ngayon. Mas lalong wala raw sa isip nito ang pag-aasawa, kaya naman daw malabo siyang magpakasal dahil wala naman siyang boyfriend.
Tsika mga ni Meg Imperial, “Huh? Kasal nino? Agad-agad. Hahaha! Wait lang, ha? Kalahating buwan, makahahanap ako.
“Wala… wala pa, eh. Feeling ko, matagal pa. Kasi wala pa nga akong establish na dyowa, eh. Saka na ‘yun, darating din ‘yun. Sabi nga ng nanay ko, hindi raw hinahanap ‘yan, darating na lang ‘yun.”
Samantala, freelance si Meg kaya posibleng ibalik na siya ni Boss Vic Del Rosario  (Viva Artists Agency management) para magka-project ulit sa ABS-CBN 2 pagkatapos niyang gawin sa TV5 ang “Bakit Manipis Ang Ulap?” at ilang episodes ng “Wattpad”.
Nagpasalamat din siya sa Viva dahil naranasan niyang mapasama sa isang  variety/ game show  gaya ng “Happy Truck Happinas” na wala na rin sa ere.
Mas nahasa kasi ang hosting skill niya at nagagamit din ang kanyang talent sa pagkanta at pagsayaw. Marami raw siyang natutuhan kina Ogie Alcasid, Gelli De Belen, at Janno Gibbs.
“Nabitin ako sa hosting. Siyempre, looking forward ako na rito ako matututo. Pero siguro ganoon talaga.”
Balik-pelikula na rin si Meg. May indie movie siya ngayon na ginagawa titled “Higanti” na isang family oriented movie. Kasama niya sina Jay Manalo, Assunta De Rossi, Alwyn Uytingco, Katrina Halili, Kiko Matos, Jon Lucas, atbp. May ginawa rin siyang telemovie na “Mariposa” sa Sari-Sari cable channel with Mart Escudero. Isa ito sa challenging role na nagawa niya dahil dalawang personality ang ginampanan niya.
Marami ang pumuri sa ipinakita niyang acting at kung mabibigyan pa raw siya ng ganitong klaseng role ay mas lulutang ang pagiging seryosong aktres niya.
‘Pag bakante  ang schedule ni Meg ay madalas siyang umuwi sa Naga para tulungan ang mommy niya na asikasuhin ang kanilang negosyo na Timeless Beauty Salon and Spa. Pinaplano na rin nilang magtayo ng branch sa Legazpi City.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.