Meg Imperial, ‘di raw lalaki ang dahilan ng pagiging blooming

Meg Imperial
Meg Imperial

Blooming ang Viva Star na si Meg Imperial na napanonood sa TV5 primetime soap na “Bakit Manipis ang Ulap?” at sa Sunday variety game show na “Happpy Truck HapPinas”.
Ang dahilan nga raw ng pagiging blooming ni Meg ay ‘di raw dahil sa may lovelife ito. Until now ay zero pa rin at walang lucky guy na nakapagpapatibok ng puso ni Meg, kung hindi dahil may bago na naman itong trabaho.
Ang mga trabaho nga raw kasing nakukuha nito ang dahilan kung bakit inspired si Meg Imperial at maganda rin daw ang takbo ng negosyong itinayo nila ng kanyang very supportive mom, ang Timeless Beauty Salon & Spa.
Tsaka na lang daw magbibigay ng oras si Meg sa pag-ibig kapag ready na siya at nagawa na niya ang lahat ng gusto niyang gawin, like pagkakaroon ng sariling coffee shop at ang pagkakaroon ng bagong branch ng kanilang salon and spa.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleBea Binene, hinahangaan ang mahusay na pagganap sa kanyang teleserye
Next articleRegine Velasquez, bumuwelta sa Duterte fans na kumuyog sa kanya sa social media

No posts to display