Meet Alina Bogdanova: Kalyeserye’s Cindy The Fashionista!

Alina-BogdanovaISANG KAKAIBANG twist ang ibinahagi ng Eat Bulaga sa lovestory ng #AlDub. Sa totoo lang, mas naaaliw ang inyong lingkod kay Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ngayong nabigyan na siya ng freedom to talk on TV. Magaling ang comic timing ng bagets at talagang wala itong inhibitions para lang mapasaya ang milyun-milyong fans na nag-aabang sa kanila ni Alden Richards.
May mga etchoserong nagsasabi na medyo lumalaylay na raw ang kwento ng Kalyeserye (hindi naman ah!) kaya isang pasabog ang dinagdag ng tropa. Just last Tuesday, dumating na ang ‘Russian supermodel na Harvard Graduate’ named Cindy. May ibang nag-akalang baka babalik ang isa sa mga dating dabarkads na beauty queen na ngayon, but no.
Alina Bogdanova is a true Russian model na gumaganap ngayon bilang Cindy. She’s 21 years old, standing tall at 5’10 and she had done print and runway jobs in other countries like Turkey, China, Indonesia at ngayo’y sa Pilipinas naman! Panganay sa tatlong magkakapatid, umalis ang dalaga sa bansang kinagisnan para tuparin ang kanyang pangarap.
Sa aming pagkakalkal sa Instagram niya ay natuklasan namin na in a relationship ito sa isang Bae-quality Pinoy model na hindi na namin papangalanan to respect his privacy. Para sa amin, may appeal itong si Cindy. Kahit ang AlDubnation ay love na love siya dahil halata naman na mabait ito at kering-keri ang pakikipagsabayan sa kulitan ng AlDub at mga lolas.
We have a feeling din na Alina Bogdanova a.k.a. Cindy will set a trend here in the Philippines. Mukhang bumukas na ang bintana para sa Russian models na pasukin na rin ang mainstream entertainment. ‘Di na kami magtataka kung later on ay lalabas na siya sa mga sitcoms at movies, huh!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.