MEET ADELA JOHNSON: Sue Ramirez, kinarir ang pokpok role sa ‘Cuddle Weather’

Sue Ramirez as Adela Johnson

VERY STRAIGHTFORWARD si Sue Ramirez. Hindi siya tulad ng ibang mga artista sa kasalukuyan na kinakarir ang pagiging virginal kahit hindi naman.

With Sue, siya ang paboritong subject ng media dahil direct to the point sumagot kapag kausap mo siya. Hindi siya nahihiya sabihin kung ano ang gusto niya ipahayag at nasa sa isip.

Yes dear, si Sue mismo ang ang nagkuwento sa media na hindi siya nagsusuot ng “bra”. Napansin ng mga ito sa ilang pagkakataon naaalog-alog ang boobs niya.

Nakasayan na niya kasi at ng katawan niya na braless. Kung iba nga lang siya sa mga artista natin, hihiya-hiya pa ang mga ito gayong normal lang naman ito.

Maging sa lenguwahe, hindi siya nahihiya bangitin ang salitang “suso” at ari ng lalaki (na ang scientific term ay penis). Para siya si Adela Johnson na karakter niya na isang prosti na hanapbuhay ang pagpu-puta just like ng kapartner niya na si RK Bagatsing na nagpapa- booking para maitawid ang pang-araw-araw niyang buhay at gastusin. “I’m a sex worker in the film,” kuwento ng dalaga.

Direk Rod Marmol, Sue Ramirez, Mother Lily and RK Bagatsing

Sa media conference para sa Pista ng Pelikulang Pilipino official entry na Cuddle Weather ay kinumpirma din ng aktres na hindi na sila ni Joao Constancia ng BoyBandPH na halos dalawang taon din naman tumagal.

Hindi man diretsahan sinabi ng dalaga na split na sila: “Judge nyo na lang po sa reaction ko,” maikling sagot niya.

Pero after ng open forum, kinuyog si Sue ng media. Dinetalye niya ang hiwalayan nila ng boyfie.

“May mga differences lang pero naguusap kami (before the mediacon ay nagkausap niya ang “ex-boyfie”.)

Paliwanag niya: “Madaling sabihin na yong mga differences nyo ay hindi nagma-matter, but na after two years, you’ll actually see the effect,” kuwento ni Sue.

Para sa dalaga, hindi niya isinasara na pwede pa muli sila magkabalikan ni Joao”.

Sue Ramirez and RK Bagatsing in ‘Cuddle Weather’

But for now, oks na muna ang estado ng puso niya. Sa career muna niya siya naka-focus at ang lovelife niya, kumbaga sa Facebook Status ay “complicated”.

Ang Cuddle Weather ay ipapalabas na sa September 17 nationwide during the PPP. Ang pelikula ay nasa direksyon ni Rod Marmol at produced ng Regal Entertainment at Project 8 Cor San Joaquin film outfit na pinamumunuan ng mag-asawang direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas.

Goodluck Adela…este Sue.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.