Medyo sikat na leading actress, masyado pa ring antipatika!

TILA HINDI pa rin natatauhan itong medyo sikat na leading actress ng isang network. Until now kasi ay masyado itong antipatika.

Iniisnab daw ng hitad ang isang veteran actress na kasama niya sa tent. Hindi nito kinikibo man lang ang aktres kahit na nasa iisang lugar lang sila o kaya naman ay break nila.

Nagtataka nga ang aktres kung bakit parang masyadong malaki ang ulo ng aktres na ito. Masyado itong feeling, kaiba sa mga nakatrabaho niyang  aktres na mas may K na magmalaki kaysa sa kanya.

Sino ang aktres? Naku, mayaman ang tunog ng kanyang namesung at dati siyang taga-barrio. Gets n’yo na?

(By Alex Brosas)

Previous articleWorst Airport, Best Airport Personnel!
Next articleYoung hunk actor, binigyan ng P200K ng gay TV executive matapos ang isang ‘date’!

No posts to display