Medical Teams, Balak Ipadala; Access sa Sabah, Hirit ng ‘Pinas

NILINAW NG Palasyo na walang halong pulitika ang pagtrato ng administrasyon sa mga Kiram.

Maaalala na  tumakbo noon sa pagkasenador sa ilalim ng partido ni dating Pangulong Gloria  Macapagal- Arroyo si Sulu Sultan Jamalul Kiram II.

Ayon kay Communications Sec. Ricky Carandang, walang kinalaman sa kung sino man ang kaalyado ni Kiram sa kanilang pagtrato sa mga Kiram.

Sinabi ni Carandang na nagtatrabaho sila ng ‘overtime’ para maresolba nang payapa ang nagpapatuloy pa ring tensyon sa Sabah, Malaysia.

Samantala, hiniling na daw ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang Malaysian counterparts na bigyan sila ng access para makapasok ang medical teams na kinabibila-ngan ng mga doktor para matugunan ang pangangailangan ng mga nasaktan.

Sa ngayon, kinakausap na rin daw ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga pagamutan sa area para ma-accommodate ang mga nasugatan at handa silang magpadala ng personnel kung kinakailangan para tumulong.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.