Medical support sa mga biktima ng paputok, tuloy pa rin

NILINAW NG Department of Health (DoH) na hindi nila ititigil ang pagbibigay ng lunas sa mga naputukan kahit lagpas na ito sa January 5 deadline ng kani-lang ilalabas na ulat.

Sinabi ni DoH Spokesman Dr. Eric Tayag na ang magtatapos lang ay ang paglalabas nila ng regular updates, ngunit ang pagbibigay ng medical assistance sa mga nasabugan ng paputok ay mananatili sa mga pampublikong ospital.

May nakalaan pa rin umanong mga gamot at manggagamot na mag-aasikaso sa mga ito.

Layunin lamang ng pagsasapubliko nila ng pinal na report na maikumpara ang mga naputukan noong mga nakaraang taon at ang naitala sa pagsalubong sa 2014, upang makaisip ng mas epektibong kampanya laban sa firecracker related injuries.

Napag-alaman ding hindi pa man nailalabas ang kabuuang report ng mga naputukan ay nalagpasan na ng record ngayong taon ang mga nasugatan noong nakalipas na taon.

Base naman sa pinakahuling tala na inilabas ng DoH, u-maabot na sa 962 ang mga biktima paputok at ligaw na bala.

Habang noong nakaraang taon ay 929 lamang, kasama na ang mga nahirapang makahinga dahil sa usok ng paputok.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.