Medical result, malalaman na sa internet

PARA MABILIS NA maagapan ang pagkalat ng sakit o mauwi sa kamatayan, isinakatuparan ng lungsod ng Navotas ang mobile Community Health Information Tracking System (CHITS), isang electronic medical record na paraan ng pag-monitor sa kalusugan na inilunsad sa buong lungsod.

Kasabay nito, nilagdaan ang isang  Memorandum of Agreement (MOA) sa pangu-nguna ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, Orlino O. Talens, MD, MHPEd-UP Manila Elvira A. Zamora, DBA, Alberto G. Romualdez, Jr., MD, dating Health Secretary na ginanap sa Navotas City hall grounds, ito ay binuo ng University of the Philippines Manila National Telehealth Center .

Ayon kay Tiangco, isinagawa ang naturang proyekto para maiangat ang kalagayan ng kalusugan ng mahigit sa 258,000 populasyon sa lungsod, gaya ng karamdaman sa pagdudumi o LBM na madalas nauuwi sa malalang sakit lalo na ang mga kababaihan na nanganganak na karamihan ay namamatay dahil sa hindi maayos na pa-ngangalaga.

Mabibigyan ng Blackberry cellphone ang 14 na emergency-lying in sa lungsod na siyang gagamitin sa pag-monitor sa lahat ng barangay kasama rito si Punong Barangay George So, ng Barangay San Rafael Village, Navotas City.

Sa ilalim ng pamumuno ni So, sa naturang barangay, nakasuporta ito sa lahat ng proyektong ipinatutupad ng pamahalaang lungsod ng Navotas lalo na ang pagsugpo ng kriminalidad sa kanilang barangay.

Naging zero crime rates din ang barangay ni So, dahil sa mabilis at listo ng kanyang mga opisyal at barangay tanod, kung saan puro mga dayo ang gumagawa ng krimen sa kani-lang lugar.

Maging ang One Barangay One Product project ay sinisikap ni So, na makatulong sa kanyang mga kababayan tulad ng pagkakaroon ng Negosyo Food Cart para sa kanilang kabuhayan na isang napakalaking tulong para sa isang pamilya na magkaroon ng sariling negosyo. (ROMAN MAGPOC/ MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.