Medical Mission ng Army, Inambus; 1 patay, 1 kritikal

ALBAY – NAPATAY ANG isang tinyente habang malubha naman ang isang sundalo makaraang tamba-ngan ng mga rebeldeng New People’s Army ang medical mission team ng tropa ng Philippine Army sa hangganan ng Barangay San Vicente Grande at Barangay Nabasan sa bayan ng Daraga sa Albay, kamakailan.

Kinilala ni Army’s 9th Infantry Division spokesman Major Angelo Guzman ang napaslang na opisyal na si 2nd Lt. George Tiago; habang isinugod naman sa ospital sa Legaspi City si Pfc Genesis Broso.

Dakong alas-9:20 ng umaga habang lulan ng military truck ang 10-man team ng tropa ni Lt. Col. Audrey Pasia ng 2nd Infantry Battalion kasama ang grupong sibilyan sa pangunguna ni Dr. Ramon Martin Velasco na magsasagawa ng medical mission sa Brgy. Nabasan nang tambangan, ayon kay Guzman.

Ang medical mission ay hiniling ng mga opisyal ng barangay sa Phil. Army dahil sa marami na ang nagkakasakit kaya naman pinaunlakan ng Phil. Army katuwang ang mga doktor, ayon naman kay Col. Arthur Ang, commander ng 901st Infantry Brigade.

Tumagal ng 20-minuto ang palitan ng putok habang hindi naman tinamaan sa nasabing bakbakan ang sibilyang doktor na kasama ng tropa ng militar.

“It seems that the NPA rebs are not choosing their targets anymore, these are humanitarian missions and some of the bene¬ficiaries might be their families and relatives,” pahayag ni Major General Josue Gaverza ng Army’s 9th Infantry Division.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.