Medical and Dental Mission, Tuluy-Tuloy sa Caloocan

UPANG MAPANGALAGAAN ang kalusugan ng mga residente, tuluy-tuloy ang ginagawang medical and dental mission nina Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri at Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri sa buong lungsod.

Bukod sa pamimigay ng gamot, libreng konsultasyon, bunot ng ngipin at iba pa, nagpakain din ang mag-amang Echiverri sa mga residente ng lungsod sa bawat barangay na mapuntahan ng medical and dental mission.

Ayon kay Mayor Echiverri, tuluy-tuloy ang kanilang isasagawang medical and dental mission sa bawat barangay upang mabigyan ng sapat na pangangalaga sa kalusugan ang mga residente ng lungsod.

Aniya, ang medical and dental mission sa bawat barangay ay bahagi pa rin ng programa ng lokal na pamahalaan na tinaguriang City Hall On Wheels (CHOW) kung saan ay ibinababa sa bawat lugar ang mga proyekto ni Mayor Echiverri.

Sa pamamagitan nito, hindi na kinakailangang magtungo ng mga residente sa city hall main at annex para lamang makakuha ng serbisyo sa lokal na pamahalaan at sa halip ay sila mismo ang pinupuntahan ng iba’t ibang departamento para magbigay ng serbisyo-publiko.

Base pa sa record, sinimulan ang medical and dental mission noong June 15 at magtutuluy-tuloy ito hanggang sa July 31 habang sa mga susunod na buwan, inaasahan din na ipagpapatuloy ito nina Mayor Recom at Councilor RJ.

Sa darating na July 24, muling magkakaroon ng medical and dental mission sa Barangay 9 at 15; sa Barangay 63 naman sa July 25; Barangay 163 sa July 26; Barangay 89,90,91 at 91 sa July 27; at sa Barangay 12 naman sa July 31.

Naniniwala rin sa Mayor Recom na sa pamamagitan ng pagbibigay ng medical and dental mission sa bawat barangay ay mababantayan ang kalusugan ng mga residente at tuluyang mailayo ang mga ito sa iba’t ibang klaseng sakit.

“Naniniwala po tayo na ang isang maunlad na lungsod ay nasasalamin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malulusog na residente bukod pa sa tahimik na pamayanan kaya’t makakaasa po ang mga taga-Caloocan na tuluy-tuloy po ang ating mga gaganaping medical and dental mission sa buong lungsod,” sabi pa ng alkalde.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.