Medical allowance sa mga guro, inihirit

TINATAYANG NASA ka-ragdagang P2,000 medical allowance ang inaasahang mapapabilang sa a¬dditional incentive sa sahod na maiuuwi ng mga guro sa elementarya at high school mula sa pampublikong paaralan.

Ito ay sa pamamagitan ng House Bill 2407 na iniakda nina A-Teacher Party-List Reps. Mariano Piamonte Jr. at Julieta Cortuna.

Base sa ilalim ng panukala, ang kinakailangang pondo para sa implemetasyon nito ay isasama sa annual budget ng Department of Education (DepEd), State Universities at Colleges na sila namang maglalabas ng mga reglamento para sa pagpapatupad ng naturang panukalang batas.

Samantala, kaakibat ng pagkakaloob ng medical allo¬wance para sa mga titser sa pampublikong eskwelahan ay nakapaloob din sa nabanggit na panukala na isama ito sa regular adjustment kada limang taon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.