Media, pinagbawalan sa loob ng Marikina PNP

NAGMARAKULYO SA GALIT ang ilang miyembro ng media na nagkokober sa pagpapakamatay ni dating AFP chief at Energy Secretary Angelo Reyes matapos na pagbawalang pumasok sa premises ng Marikina PNP, kahapon ng umaga.

Ayon sa desk officer ng Marikina PNP na si SPO1 Olaya, bawal umanong pumasok ang media dahil sa wala pa ang kanilang hepe na si P/Sr. Supt. Romeo Magsalos.

Ayon pa kay Olaya, binigyan siya ng verbal order ni Marikina City Deputy chief P/Supt. Ezita na huwag papasukin ang media dahil wala pa ang kanilang hepe.

Gayunman, wala na ring nagawa si Olaya nang magpumilit ang sumulat matapos mapansin ang presensiya ng mga reporter ng TV networks sa loob ng himpilan.

Nabatid na dinagsa ang nasabing himpilan ng mga mediamen dahil sa pagpapakamatay ni Reyes sa loob ng Loyola Memorial Park sa nasabing lungsod.

Hindi naman nagawang kunan ng pahayag si Supt. Magsalos dahil sa abala ito sa pag-aasikaso sa naganap na insidente.

Gayunman, mariing kinondena ng Metro East-Rizal Press Organization (MERPO) ang aksiyon ni SPO1 Olaya dahil isa itong paraan ng pagsikil sa karapatan ng mga mamamahayag.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.