Media, OK na sa Absentee Voting

APRUBADO NA ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang media absentee voting na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamahayag na makaboto nang mas maaga sa darating na halalan sa 2013.

Base ito sa resolusyon ng Comelec na payagan ang petisyon ng media sa botong 5-1.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na ilalatag na lang nila ang mga alintuntunin sa mga susunod na araw.

Ayon naman kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, ito ang unang pagkakataong makakaboto nang mas maaga ang mga miyembro ng media.

“This is a historic vote and decision. For the first time we’ll have media voting in the Philippines… It will be implemented in 2013, so many journalists and media personnel are waiting for this,” ani Sarmiento.

Posibleng isunod na lamang sa nilalaman ng Republic Act (RA) 7166 o local absentee voting ang mga alintuntin para sa media, pahayag pa ni Sarmiento.

“We will flesh out the guidelines. We have initial discussion about this and I think we’ll pattern it after Republic Act 7166 which is about local absentee voting in advance. Media will be voting in designated places.”

“In the past, we have absentee voting for PNP and AFP, for those performing election duties in the day of election and assigned to other places,” dagdag pa ng opisyal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.