Media, Negosyo Umano ang Inuuna

MISTULANG BUSINESS interest ang pinaiiral ng mga TV network nang humiling sa Korte Suprema na ibasura ang paglilimita ng Commision on Elections (Comelec) sa mga political advertisement.

Ito ang sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., sa isang panayam.

Sinabi ni Brillantes, interes ng publiko ang dapat isipin ng dalawang TV network at hindi lang ang kiki-tain ng mga ito.

Nakapagtataka rin aniya na mismong ang mga TV network pa ang nagrere-klamo kaysa sa mga kandidato.

Malinaw naman umano na hindi nasasagasaan ng Comelec ang press freedom o freedom of speech. Samantala, handa namang harapin ng Comelec ang petisyong inihain ng GMA Network at ng TV5 sa Supreme Court (SC) hinggil sa nasabing airtime.

Maaalala na sa Fair Elections Act ng Comelec ay bibigyan lang ng 120 minutes aggregate airtime sa TV at 180 minutes aggregate airtime sa radyo ang mga political advertisement.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.