Media, nabastos sa OA na security sa isang event sa Batangas!

HINDI PA man nagiging kontrobersiyal muli si Mo Twister, masasabing “prophetic” ang inani nitong angkop at nakakatawang bansag mula sa kanyang Paparazzi co-host na si Cristy Fermin bilang “Boy Laglag”.

Based on its literal meaning, naging tampulan ng matinding pang-ookray  si Mo sa naturang programa as the “playing safe” Mr. Gossip na bawal kantiin ang kanyang personal na buhay, pero kinakalkal naman nito ang kapribaduhan ng mga pinapaksa nilang artista. Worse, Mo would rather see his co-hosts bear the brunt of it all, habang hugas-kamay siya in an attempt at self-immunity.

Hence, his appropriate monicker, na sino pa ba naman ang may malikhaing pag-iisip na makababansag ng Boy Laglag kay Mo kundi si Cristy?

But it’s a redundancy of sorts given Mo’s present dilemma. Inilaglag niya kasi ang dating nobyang si Rhian Ramos sa isyu ng umano’y pagpapalaglag nito ng kanilang anak.

 

SINAMANTALA NG three major TV networks ang panakaw na pagkakataong makorner si Batangas Governor Vilma Santos-Recto nitong Miyerkules in celebration of the annual Ala, Eh Festival held in Calaca.

Nagiging pahulaan kasi lately as to which of the three stations is Ate/Gov. Vi’s next destination, saan nga ba?

“Alam n’yo, sampung taon din akong nagtrabaho sa GMA, and the station took care of me. Nu’ng ipinagbubuntis ko na nu’n si Ryan Christian, hindi pa man expired ang contract ko, they allowed me to give way to my pregnancy. As regards ABS-CBN, du’n actually ako nagsimula. Hindi pa  ‘yun ‘yong D’Sensation days, ha? I was nine years old when I did Larawan ng Pag-ibig. Then the past years, gumawa ako ng movie sa Star Cinema,” at this juncture ay minamadali na ng Voices & Rhythms (pamagat ng grand finals ng singing contest that marked the province’s foundation day) staff ang aktres-pulitiko na bumalik sa entablado to proudly announce that she commissioned topnotch songwriter Vehnee Saturno to compose “Batangas Song”.

These days, maugong ang balitang sa TV5 na mapapanood si Ate Vi. “I won’t deny na nakikipagmiting ako kay MVP (Manny V. Pangilinan) for possible projects with TV5. Nandiyan ang movie, a show and an ad. Pero gusto ko kasi, eh, nakalatag sa akin ang project bago ko tanggapin. In the meantime, dito muna ako sa aking paglilingkod sa mga Batangueños,” she humbly said.

Ikinagalak din ni Gov. Vi ang parangal mula sa Department of Local and Interior Government (DILG) dahil hinirang na outstanding ang kanyang panunungkulan sa buong lalawigan on the merit of transparency. “Natutuwa ako sa karangalang  ‘yon, walang inilayo ‘yon sa aking trabaho bilang artista na nakatataba ng puso kung ika’y mananalo ng tropeo for your performance,” aniya.

Back to the event, for sure, hindi aware si Calaca Mayor Nas Ona sa O.A. na pagpapatupad ng seguridad bago pahintulutang pumasok sa kanilang munisipyo. With the procedure that the security personnel implemented, it made life too difficult for the media who travelled nearly three hours from Manila only to be rudely treated that way!

Imagine, may network ID na kami’t lahat, ayaw pa rin kaming papasukin ng mga nakatalagang guwardiya sa entrance ng munisipyo. Worse, ang isa pang staff doon wearing a light blue uniform reasoned out na direktiba raw ‘yon ng probinsiya (take note, hindi ng bayan ng Calaca) kaya ganu’n sila kahigpit.

So, what were these stupid security staff trying to imply, kautusan ‘yon na mula kay Gov. Vi?! Excuse me, the media was there upon the lady governor’s invitation, and if Ate Vi only knew it, tiyak na sabon ang aabutin ni Mayor Ona sa mga walang-kuwenta’t bastos nitong guwardiya!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

7 thoughts on “Media, nabastos sa OA na security sa isang event sa Batangas!

  1. RONNIE, APO KO,. GREET ALSO HALEY CARRASCO, SHE WILL CELEBRATE HER 16TH BIRTHDAY.. ANG MGA PUTI, 16TH AND PINAKA DEBUT NILA. ALAM MO NAMAN PUTI ANG TATAY NIYA. REMEMBER YOUR AUNT ROXIE? NANAY SIYA NI CHARLIE CARRASCO NA TATAY NI HALEY. SI CHARLIE ANAK NG UNCLE PEPE MO. BUKAS ANG PARTY, PUPUNTA KAMING MGA TIGA VALLEJO AND FAIRFIELD. YOUR LOVING GREATLOLA..JEANY.

  2. CONGRATS MY GREATNEPHEW. KEEP UP THE GOOD WORK OF WRITING. WE LOVE YOU HERE IN THE U.S.A. ARE YOU THE ONE WITH EYEGLASS IN STARTALK? LOLA JEANY

    SAY HELLO TO JOEY DE LEON FOR ME. I SAW HIS OLD MOVIE AT VIVA TV, HE IS A GOOD ACTOR TOO. YOU INTRODUCED ME TO HIM WHEN I WAS THERE IN 2007, I WATCH EAT BULAGA EVERY DAY HERE WHERE I LIVE. REGARDS TO THE TWO SOTTOES ALSO. CAN YOU GIVE ME THE ADDRESSES OF GMA AND ABSCBN. MENCHU HAS MY E-MAIL ADDRESS.

    PAULO IS GOOD LOOKING ALSO.

  3. SHAME ON YOU MR. CARASCO. THOSE SECURITY PERSONNELS ARE JUST DOING THEIR JOB! FOR SECURITY REASONS, OK? YOU SHOULD KNOW THAT! SIYEMPRE DI KA NAMAN KILALA NUNG MGA SECURITY… FEELING SIKAT KASI EH… DAMI KAYANG MASASAMANG TAO!!! WAG KANG FEELING VIP, HINDI KA SI ATE VI!

  4. thats the security ! ganun lang talaga, in fact ginagawa lang ng guard ang trabaho nila.   MEDIA  no special treatment nga. at alam nio yan, hindi lahat ng pagkakataon.,. WAG KA NGA MAGMAYABANG , baka ikaw ang BASTOS.

  5. Sa tingin mo ganun kashowbiz si Gov. Vilma Santos para sabunin ang isa sa mga mayor ng pinamumunuan nyang probinsya para lang sa kapakanan ng iilang myembro ng media? Think again dude..

    Di porke media kayo eh may special treatment na kayo sa lahat ng mga events sa lahat ng lugar. Magsilbi din sanang aral sa inyo to.. Wag masamain, kaligtasan lang ng lahat ang hangad siguro ng mga security officers na na tinatawag nyong BASTOS!!

  6. Bakit parang tahimik ang TV5 sa issue ki MO Twister? Parang walang nangyaring issue at ni minsan di ko pa narining ang mga talk shows na mag-cpomment about it. Kahit si Cristy Fermin, ni hindi nababanggit si Mo Twister sa kanyang radio show pero patuloy na tinitira si Piolo Pascual. May order ba ang TV5 na wag na pag-usapan si Mo Twister at ayaw na nila magkaroon ng ugnyan sa kanya?

  7. hey mr. ronie carasco III. so kailanagn talagang bastusin mo ang name ng mayor na Calaca? Sinong mas bastos ngayon?
    Sa dami ng threat ngayon sa kahit saan may karapatan naman siguro sila na maghigpit noh? hindi porke press people kayo eh pwede na kayong ma-exempt sa mga rules ng kung saang lugar. Respect lang po.

Leave a Reply

Your email address will not be published.